Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
richard gomez ormoc
richard gomez ormoc

Goma working mayor, handa sa mga sakuna

MALAKI ang naging problema ng Ormoc dahil sa bagyong Urduja. May mga naiwang patay sa lunsod, nagsagawa sila ng sapilitang evacuation dahil sa mabilis na pagbaha, at nagkaroon pa ng landslide kaya naging mahirap ang pagpunta sa lunsod.

Pero napaghandaang lahat iyan ni Mayor Richard Gomez. Sabihin mang nagkaroon ng delay ang relief para sa kanilang bayan. On their own ay naisasagawa nila ang patuloy na relief and rescue operations kahit nga napaghandaan nila iyon. Kasi on hands naman sa disaster relief ang kanilang mayor.

Sa totoo lang, basta nakakabalita kami ng ganyan, natutuwa kami. Parang gusto naming ipagyabang, tingnan ninyo kung gaano kahusay si Mayor, at artista iyan. Nagtatrabaho iyan. Hindi kagaya ng sinasabi nilang ang mga artista natutulog lamang sa sesyon, hindi nila masasabi iyan kay Goma.

Madaling araw pa lang, bago tumama ang bagyo, nasa city hall na siya. Naghahanda na. Nai-interview na ng mga estasyon ng radyo at nasasabi na niya kung ano ang kanilang gagawin sa padating ng malakas na bagyo. Working mayor iyan, hindi iyong nakaporma lamang sa city hall. Hindi nga makagawa ng pelikula si Goma dahil diyan, pero ok lang, magaling naman siyang mayor.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …