Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jeric, ayaw paawat sa paghahasik ng lagim

AYAW paawat ni Jeric Raval sa kanyang papel sa The Good Son.

Siya si Dado, ang driver/syota ni Eula Valdez pero lihim ang kanilang relasyon dahil mayamang pamilya si Eula. May kinalaman siya sa pagkamatay ni Albert Martinez pero walang gaanong nakaaalam maliban kay Joshua Garcia.

Marami ang nakakapansin na aktibo na ngayon sa telebisyon si Jeric. Kasali rin siya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Si Jeric ay may anak kay Monica Herrera na puwedeng mag-artista. Sa Pampanga pa rin umuuwi ang actor kesehodang sa Maynila ang madalas na taping.

EDU, HANGA
KAY EUGENE

MASAYA si Edu Manzano tuwing may taping ng Celebrity Bluff. Lahat kasi ng mga kasamahan niya ay komikero.

Hanga si Edu kay Eugene Domingo dahil kahit walang script, magaling ito.

Dati’y madalas gumanap bilang kontrabida si Edu pero ngayon sa pagpapatawa na siya nalilinya na magaling din naman siya.

MGA PINOY, MAS FEEL PA
ANG MGA KOREANO

ANO ba ‘yan, ang daming mga artista ang sumasawsaw sa kasikatan ng mga Tsinitong Koreano na naririto sa atin?

Hindi na talaga mawala ang dugong colonial sa mga Pinoy. Mas nagugustuhan ang mga banyaga. Iniibig at sinasamba.

Mas nagugustuhan kasi ng karamihang Pinoy ang mga istoryang ipinalalabas ng  mga Koreano unlike sa atin na paulit-ulit ang tema ng istorya.

Puro sampalan, agawan ng asawa at kung ano-ano pa ang paulit-ulit na napapanood.

AWAY-BATI NINA SHARON
AT KIKO, PAULIT-ULIT

MAY mga nagtatanong kung bakit paulit-ulit ang kuwentong galit-bati nina Sharon Cuneta at Sen.Kiko Pangilinan?

Tipong nakasasawa na ang gayung kuwento eh, kumite naman ang pelikula ng Megastar kasama siRobin Padilla.

ALDEN, MAGKI-KLIK
KAHIT WALA SI MAINE

PAANO kaya kung mag-klik ang pagsosolo ni Alden Richards na tinatrabaho ngayon ng Kapuso without Maine Mendoza?

Hindi kaya malagay sa alanganin ang dalaga at pagsawaan siya ng mga fan dahil paulit-ulit siyang nagsasabing napapagod nang mag-showbiz?

Sa showbiz, bihira dumating ang suwerte at kung pababayaan at  pinalampas ang suwerte, baka magtampo iyon.

Dapat magdesisyon si Maine kung talaga bang gusto pa niyang ipagpatuloy ang kanyang career sa showbiz o hindi na.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …