Wednesday , November 27 2024

GCash ‘Scan to Pay’ nasa “The SM Store” na sa buong bansa

INIHAYAG ng GCash mobile wallet service na magagamit na ang scan to pay feature nito sa lahat ng The SM Store sa buong bansa at sa information booths ng SM malls.

Dahil dito ay mas magiging kombinyente sa mga customer ang pagsa-shopping, lalo ngayong holiday season dahil maaari na silang makapamili nang walang dalang cash.

Madali ang paggamit ng GCash scan to pay method. Ang isang customer na may smartphone ay kailangan i-download o i-update ang latest version ng GCash App, gumawa ng account at pondohan ang GCash wallet sa pamamagitan ng mga cash-in center na matatagpuan sa buong bansa.

Kapag nagawa na ito, kailangan i-tap ng customer ang  Scan QR at ituro ang camera ng telepono sa QR code to pay ng item.

Ang The SM  Store ang pinakabagong nadagdag sa dumaraming merchants na gumagamit na ngayon ng GCash App scan to pay feature. Kabilang sa mga unang gumamit ang Mercato Centrale sa Bonifacio Global City at Ayala Malls, partikular ang Glorietta.

Ayon kay Anthony Thomas, President and Chief Executive Officer ng Mynt, ang financial technology company na pag-aari ng Globe Telecom, Ant Financial, at Ayala Corp., nagsimula na sila ng kanilang QR code acceptance.

“We’re not installing a device but just a sticker with a QR code. The customer simply scans that sticker so no need for additional machines for transactions and there’s no cost to the machine but more benefits to the merchants. Cash is still convenient but there’s also the issue of security and handling. With GCash scan to pay feature, we’re bringing that down to the level where merchants can adapt,”  paliwanag ni Thomas.

Sa pagdagdag sa The SM Store, ang paggamit ng  GCash scan to pay feature ay patuloy na umaani ng suporta sa top malls at merchants sa bansa.

Ang iba pang kilalang merchants na kasalukuyang gumagamit ng GCash scan to pay feature ay Max’s Group of restaurants, apparel brand Bench, at international brands, partikular ang retailer Stores Specialists, Inc. (SSI).

Ang maliliit na tindahan na matatagpuan sa celebrity bazaar destination Noel Bazaar at sa Mercato ay gumagamit ng bagong cashless payment option na ito.

Sa mga susunod na buwan, patuloy na isusulong ng GCash ang paggamit ng scan to pay feature sa iba pang lugar sa buong bansa upang mahikayat ang mas maraming tao na gumamit nito at matamasa ang mga benepisyo nito.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *