Monday , November 25 2024

Ruru Madrid, nagpasalamat sa entertainment media at kay Direk Maryo J.

LABIS na ipinagpapasalamat ng Kapuso actor na si Ruru Madrid ang mga nangyayari ngayon sa kanyang showbiz career. Bukod kasi sa nanalo ng Best Actor award kamakailan, bida na rin ngayon si Ruru via GMA-7’ Sherlock Jr.

“Iyon talaga ang ipagpapasalamat ko, itong Sherlock Jr. at siyempre, ‘yung natanggap ko rin na Best Drama Actor para sa taong ito. Talagang hindi ko po expected iyon, ang mapasama lang ako sa Encantadia ay sobrang malaking bagay na,” saad ni Ruru hinggil sa pagkapanalo niya bilang Best Drama Actor sa 31st Star Awards for Television ng PMPC.

Dagdag niya, “Ipinapangako ko po na lalo kong pagbubutihan, lalo na ngayon na may bago akong programa, itong Sherlock Jr. First time ko po magkakaroon ng title role at sa GMA-Telebabad pa po ito mangyayari. Isang malaking proyekto po ito na ibinigay ng network, kaya po ipinapangako ko sa lahat na paghuhusayin ko, sa bawat eksenang gagawin ko, talagang ibibigay ko po ang best ko.”

Ang seryeng Sherlock Jr., ay isang legal drama na mapapanood sa 2018, kasama niya rito sina Gabbi Garcia, Ai Ai de las Alas, Andre Paras, Janine Gutierrez, Kate Valdez, Alyanna Asistio, Sharmaine Arnaiz, Roi Vinzon, Matt Evans, at iba pa.

Samantala, pinasalamatan din ni Ruru ang mga taga-media at ang manager niyang si Direk Maryo J. Delos Reyes sa ginanap na Thanksgiving and Christmas party ni Yul Servo at ng Production 56 Incorporated.

“Eto po ‘yung pagkakataon ko para makapagpasalamat sa mga taga-press, dahil kung hindi rin po dahil sa inyo, sa mga suporta n’yo na ibinibigay sa amin bilang artista, talagang wala rin po kami rito. Una sa lahat, ang pagkakapanalo ko po bilang Best Actor, talagang hindi ko po expected iyon, ang mapasama lang ako sa Encantadia, napakalaking bagay na po sa akin. Gayondin po, noong bago pa lang ako, kayo rin po ang unang nagbigay sa akin ng award na Best New Male TV Perosonality. Gayondin sa ENPRESS, sa lahat ng bumubuo ng ENPRESS din, hindi ko po makakalimutang magpasalamat sa inyo dahil kayo rin ang nagbigay sa akin ng Breakthrough award.

“At siyempre po kay Direk Maryo J. delos Reyes, sobrang mahal na mahal ko po iyan. Dahil siya iyong unang nagtiwala sa akin at siya iyong laging naniniwala sa aking kakayahan bilang aktor.”

Ang naturang event ay mas lalong pinagniningning ng iba pang artists ng Production 56 Inc., kabilang sina Nash Aguas, Orlando Sol, Masculados, Miggs Cuaderno, Leandro Baldemor, Romano Vasquez, Barbara Miguel, Nafa Hilaro Cruz, Will Ashley de Leon, Xyruz Cruz, John Raspado, Trio Tagapayo, at ng award winning-director at ama ng Production 56 na si direk Maryo J. delos Reyes, at si Yul Servo.

ERIKA MAE SALAS, ESPESYAL
ANG 
SWEET SIXTEEN CONCERT
SA THE FORAGE BAR + KITCHEN

SA DEC. 16

ABALA ngayon sa promo ng kanyang concert ang maganda at talented na recording artist na si Erika Mae Salas. Pinamagatang Erika Mae Salas Sweet 16, gaganapin ito sa darating na Saturday, December 16, 2017, 7pm sa The Forage Bar + Kitchen, Gil Fernando Avenue, Sto. Niño, Marikina City.

Sinabi ni Erika Mae na espesyal sa kanya ang post birthday concert niyang ito. “This is special po, kasi mga sweet songs po ang kakantahin ko rito na siguradong ang mga young and old ay mag-e-enjoy. Plus, may dance number din po ako rito with the Hashtags Wilbert Ross and Kid Yambao,” saad ni Erika Mae.

Kamakailan nga ay naging guest si Erika Mae sa DZMM teleradyo Showbiz Chizmax na programa nina katotong Ambet Nabus at ng super-seksing si Gretchen Fullido upang i-promote ang kanyang forthcoming concert.

Sino ang mga guest mo rito?

Saad ni Erika Mae, “Ang mga guests ko po rito ay sina ate Geca Morales-2016 WCOPA gold medalist, Pinoy Boyband Superstar finalist na si Michael Diamse, Eat Bulaga’s music hero finalist na sina Alliyah at Jason Recla, plus front acts ko po sina Joseph Miraflores ng The Voice Kids S3 Team Lea, Sarah Ortega, Annie Pia Culaway, at si Neo Ambert, anak po ng manager ko na si tito Ambet Nabus. Hosted po ito by Romel Chika.”

Ang Muscial Director ng Erika Mae Salas Sweet 16 concert ay si Ryan Regala Manal at ang director naman ay si Ambet Nabus. For inquiry, pls. text or call 09173092093, 09235037659, at 09198557351.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Arjo Atayde Maine Mendoza Topakk

Arjo itotodo ang lakas sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KUNG abalang-abala si Arjo Atayde bilang isang mahusay na aktor at masipag na …

Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PAni Rommel Placente SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging …

Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Nadine Lustre

Nadine unfair awayin sa ineendosong produkto

HATAWANni Ed de Leon HINDI maganda ang feedback kay Nadine Lustre na nag-promote ng on line gaming …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *