Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Matigas ang ‘bungo’ ni Bello

BAKIT ba ipinagpipilitan nitong si Labor Sec. Silvestre Bello III na dapat pa rin ituloy ang pa­kikipag-usap sa mga rebeldeng komunista sa kabila na pormal nang ibinasura ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Parang tahasang kinokontra nitong si Bello, ang posisyon ni Digong nang lagdaan ang  Proclamation 360 nitong Nobyembre 23 kaugnay sa terminasyon ng peace talks ng pamahalaan sa CPP-NDF-NPA.

Ang pagsalungat ni Bello sa posisyon ng pamahalaan ay dalawang beses na niyang ginagawa. Una, nang suspendehin ang fifth round ng pag-uusap noong Hulyo, at ngayon naman ang pormal na deklarasyon ng pagbasura ng usapang pangkapayapaan.

Bakit kaya ginagawa ito ni Bello?  Ang simpatiya ba ng kalihim ay nasa panig ni Joma Sison at hindi kay Digong? O Baka naman nanghihinayang siya sa kanyang posisyon bilang chief negotiator ng government peace panel?

Dapat malaman ni Bello na ang usapang pangkapayapaan para sa mga rebeldeng komunista ay isang taktika para higit na maisulong ng nasabing grupo ang kanilang interes lalo sa mga konsesyong kanilang hinihingi sa pamahalaan.

Hindi pa ba sapat ang sunod-sunod  na pag-atake na ginagawa ng mga berdugong NPA sa mga sundalo, pulis at sibilyan?  Ang extortion activites ng NPA, hindi ba ito alam ni Bello?

At hindi ba mismong ang berdugong NPA ang naglabas ng direktiba na paigtingin ang kanilang opensiba laban sa gobyerno bilang tugon sa pagdedeklara ni Digong ng martial law sa Mindanao?

Matigas ang ‘bungo’ nitong si Bello! Sa halip na kondenahin ang ginagawang  karahasan ng NPA patuloy pa rin siyang nananawagan na ituloy ang peace talks. Mantakin mong sabihin ni Bello na nagulat daw siya sa naging desisyon ni Digong nang ibasura ang usapan pangkapayapaan?

Lumalabas na hindi suportado ni Bello ang ginawang hakbang ni Digong nang ibasura ang peace talks. Hindi naniniwala si Bello kay Digong dahil siya mismo ay mayroong mga pahayag na hindi dapat tinapos ng administrasyon ang usapang pangkapayapaan.

Sapat na ang sinabi ni Digong na isang pag- aaksaya sa pera ng bayan ang gagawing pakikipagkasundo sa mga rebeldeng Komunista.

Inuutusan din ni Digong ang Office of the Presidential Adviser on Peace Process and go­vernment negotiator na putulin na ang pakikipagpulong sa mga Komunista.

So, malinaw sir Bello, tama na po ang mga pahayag na parang kumakatig ka pa kay Joma.  Suportahan na ninyo si Digong, hane?

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *