Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Female personality, hungkag pa rin ang taste kahit super yaman na

TOTOONG hindi nabibili ang taste. Ito ang makatotohanang sambit ng isang taga-showbiz patungkol sa isang mayaman ngang female personality, pero hungkag naman pagdating sa taste.

“’Di ba, nag-uumapaw ang salapi nilang mag-asawa? Siya nga, branded kung branded ang mga mamahalin niyang gamit, pero ‘Day, pagdating sa taste sa magagandang bagay, eh, waley siya! Gusto mo ng pruweba?” 

Bumuntong-hininga muna ang aming source, at saka nakapamewang na ipinagpatuloy ang kanyang kuwento, ”’Di ba, naturingan pa mandin siyang richie-richie pero hindi fresh flowers ang nakalagay sa vase ng kanilang pagkalaki-laking baler, alam mo ba kung anik? Plastic flowers as in! Maano ba namang utusan niya ang mga maid of cotton niya na bumili ng mga sariwang bulaklak sa Dangwa, ‘di ba? Pero gaya nga ng tsikabels ko sa ‘yo, wa nga taste ang hitad na celebrity na ‘yon!”

Da who ang yayamaning female personality na bida sa kuwentong ito na waley ka-taste-taste kahit sobra-sobra na ang yaman?

Itago na lang natin siya sa alyas na Tararadying Pak-boom!

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …