HABANG isinusulat natin ang pitak na ito ay malapit nang umabot sa 700,000 ang views sa Facebook at nakapanood ng kumakalat na video laban sa ilang opisyal at tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Partikular na binabanggit ang pangalan ni Commissioner Caesar Dulay at ang revenue district officers (RDO) ng BIR sa Parañaque at Pasay City.
Umabot na kaya sa kaalaman ni Pres. Rodrigo “Digong” Duterte ang kumakalat na video, sakaling ‘di niya personal na napanood at napakinggan?
Bagama’t hindi kita ang mukha nila ay malinaw na malinaw sa audio ang boses ng dalawang magkausap na tao, isang babae at isang lalaki.
Madidiin at lumalagutok na “P.I.” ang ilang ulit na pagmumurang namutawi mula sa tinig ng babae laban kay Dulay tungkol sa kontrobersiyal na compromise deal sa pagitan ng gobyerno at ng mga kompanyang Del Monte Phils. at Mighty Corp. na may kaso sa BIR.
Nanggagalaiti sa galit ang babae at pinaratangang mga ‘corrupt’ at ‘magnanakaw’ sina Dulay at ilang ‘di pinangalanang mga opisyal at tauhan ng BIR.
Sa bandang huli ng video, habang isang minuto at 28 segundo, ay nagkasagutan ang dalawa nang mapansin ng lalaki na inire-record ng babae ang kanilang usapan.
Narito po ang teksto ng usapan sa video na ating sinipi, en toto…
Babae: “Ano’ng gagawin ko? Itong putang inang Dulay na ito, animal ‘to e! Kung ano-ano’ng sinasabi niya sa presidente e! Putang ina, sa-sabihin mo 60-billion…30 billion…60 billion. E, putang ina milyon-milyon ‘yung dineclare nila doon, putang ina nila! E, ‘di gago talaga ‘tong hayup na ‘to, putang ina niya! Pati ‘yung mga galamay niya diyan sa RDO na ‘yan, alam ko ‘yan e, putang inang…! Akalain mo? ‘Yang mga nasa Parañaque at saka Pasay na ‘yan, mga hayup ‘yan e!”
Lalaki: “Hindi! ‘Yang mga nasa legal nila, gago rin iyang mga ‘yan.”
Babae: “Iyang mga legal department niyang ‘yan, putang ina nila! Pare-parehong magnana-kaw ‘tong mga putang inang ‘to! Walanghiya sila! Mga ampon ni satanas, gusto nila sila lang kumita, sabihin nila kay Digong kung ano-anong fi-gures. Mga greedy bastards ang putang ina! Gusto nila, sila lang ang makinabang e. ‘Yung ginawa nila sa Mighty at saka sa Del Monte, ‘tang ina, sila lang ang… Sabihin mo, P25 million settlement? ‘Tang ina, P25-M million! ‘Tang ina, 35 kamo, P35 billion! Putang ina, gusto niya siya lang ang kumita. Ano, gutom?! Gago ‘tong Dulay na ‘to e,” anang babae.
Kasunod nito ang pagtatalo ng dalawa nang mahalata ng lalaki na inire-record ng babae ang kanilang usapan.
Lalaki: Uy, ba’t inirerecord mo yata?
Babae: Hayaan mo nga, putang…!
Lalaki: Putang…ba’t mo nire-record?
Babae: “Bakit hindi? Putang ina! Pare-pareho tayo dito… putang ina niya!”
Lalaki: “Naririnig…pati ako mapapahamak, e. Gago ‘to!”
Babae: “Lahat kami lulubog! Gusto nila sila lang kumita? Ulupong silang lahat, putang ina! Amina nga ‘yan! Amina nga sabi e!”
Lalaki: “Teka lang! Matapang ka lang dahil nandito tayo sa abroad e!”
Babae: “E, ano!, E, ano! Putang ina…buwisit itong mga taong ‘to…”
Sa tono ng usapang ‘yan ay mukhang nagkabukulan sa ‘tongpats’ at may matinding hinanakit ng dalawa kay Dulay.
Hindi rin maikakaila na kilalang-kilala ni Dulay kung sino ang dalawa sa video.
Nakababahala ang eskandalong ito at hindi maiiwasan na mapagdudahan ang kredibilidad ng kampanya laban sa talamak na katiwalian na ipinangakong isusulong ng kasalukuyang pamahalaan.
Hindi ba ipinangako ni Pres. Digong na ang makokolekta sa Del Monte at Mighty ay kanyang ilalaan bilang paunang pondo para sa welfare fund ng mga kawal ng Armed Forces of the Philippines (AFP)?
Aba’y, siguradong hindi lang tainga, kung ‘di pati ilong ni beloved Pres. Duterte ang uusok na parang toro oras mapanood at mapakinggan ang pinagpi-piyestahang video ngayon sa social media.
Ngayon dapat ipamalas ang sinseridad ng administrasyon laban sa katiwalian.
Abangan!!!
(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])