Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mariel, nabigong masungkit ang Miss International title

TULAD ng alam ng marami, bigong nasungkit ni Mariel de Leon ang pangarap na maging international beauty titlist sa katatapos na Miss International sa Tokyo, Japan.

Kinabog ni Miss Indonesia ang mga naggagandahang dilag mula sa iba’t ibang panig ng mundo, samantalagang sa semi ay laglag na agad ang dalagang anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Maraming teoryang lumutang sa ‘di pagkakapanalo ni Mariel.

Ilan dito’y ang mga sumusunod: natiyempo na mabibigat ang kanyang mga nakalaban kaya ‘di siya  gaanong nag-stand out sa kabilang ng pagiging popular ngayon ng bansa bilang host nation ng Asean Summit.

Mataba rin daw tingnan si Mariel sa swimsuit competition, kaya ang biruan nga’y nagpakabundat ito nang husto kakalafang ng sushi, sashimi at iba pang masasarap na Japanese food.

Sa kabila ng maraming Pinoy sa buong Japan ay hindi rin nakatulong ang mga ito para bigyan ng kaukulang suporta si Mariel.

Pero higit sa lahat, ang itinuturong “salarin” ng karamihan sa ating mga kababayan ay ang pagiging nega ni Mariel hindi pa man nagsisimula ang pageant. Hindi kasi siya nagtala ng positibong imahe sa social media lalo na sa mga isyung kinasangkutan niya.

Iba kasi ang paraan ng pag-iingay ni Mariel para mapansin.

Pero hindi ngayon at luhaan si Mariel sa sinalihang pageant ay katapusan na ng mundo. Maaari pa naman niyang ipagpatuloy ang kanyang pangarap.

Nariyan ang Miss World Philippines, na ang mga sumasali sa Binibining Pilipinas na hindi kinakasihan ng magandang kapalaran ay doon nakikipagsapalaran.

Mahalaga ring i-assess ni Mariel ang kanyang mga kakulangan o excesses sa susunod niyang pagsali. Iwasan na ang pagiging nega sa social media dahil this might work to her disadvantage.

Siguro naman, ang pangalan niyang “Mariel” ay hindi pinaikling “Maria Isabel” (Lopez) na negang-nega, ‘no!

HOT AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …