MATAGAL nang inaabangan ng mga suki ng FPJ’s Ang Probinsyano kung kailan ulit makababalik si Ricardo Dalisay (Coco Martin) sa kanilang tahanan at pamilya.
Masalimuot kasi ang nangyari kay Cardo mula nang sumablay ang SAF operation nila kontra Pulang Araw na pinamumunuan ni Lito Lapid (Leon).
Bunsod nito, muntik mamatay si Cardo ngunit nakapagpanggap siya bilang biktima ng crossfire at kinupkop ng Pulang Araw. Mula rito ay sari-saring maaaksiyon na kaganapan at trahedya ang nasuungan ng character ni Coco na si Cardo.
Ngayon ay sabik na ang maraming televiewers ng top rating TV series ng ABS CBN kung kailan muling makakapaling ni Cardo ang kanyang pamilya, lalo na ang misis niyang si Alyana (Yassi Pressman). Kailan kaya kayo magkikita ni Cardo Dalisay?
Nakangiting sagot ni Yassi, “Naku, iyon po ang dapat ninyong abangan, hahaha! Marami pong mga nag-react noong nagkita kami ni Cardo, kaya nae-excite po ako sa mga susunod pa naming pagkikita.”
So malapit na ba ‘yun? “Secret lang po, hahaha!” nakatawang tugon ng magandang aktres.
Pagpapatuloy niya, “Sa kung matatapos na po (ang Ang Probinsyano) or kung ano pa po iyong mga susunod na mangyayari sa serye, abangan ninyo na lang po.”
Ano ang reaction niya na madalas silang nili-link ni Coco? “Siguro hindi po maiiwasan talaga, kasi siyempre mag-asawa po kami sa show, kaya kami po talaga iyong laging magkasama,” aniya na idinagdag pang magkaibigan sila ni Coco.
Iyong paghataw ng career mo mula nang pumasok ka sa Probinsyano, ano’ng masasabi mo? “Nagpapasalamat lang po talaga ako, lahat-lahat po ng blessings na ibinigay sa akin ni Lord, tsaka siyempre po ng ABS CBN at ng Dreamscape.”
Nabanggit din niya ang kagalakan sa mataas na ratings na nakuha ng kanilang TV series. “Alam po ninyo, gusto po naming magpasalamat dahil kahapon (Wednesday) po, umabot kami ng rating na 49.7 percent, kaya maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga sumusuporta.”
Samantala, ipinahayag kamakailan ang 10 finalists sa Krem-Top May Bagong Timpla songwriting competition. Kasama ni Yassi sa launching ang kapwa niya endorser ng Krem-Top na sina Joshua Garcia, Iñigo Pascual, at Ronnie Alonte.
Narito ang 10 Krem-Top May Bagong Timpla songwriting competition finalists:
1. Chester Francisco, Kimberly Borja and Mark Paderes for the song #Hugot 2. Gerald Naquita and Zhyra Despe for the song Hugis Buwan sa Labi
3. Andrew Arguelles and Joseph Charles Baltazar for the song Brand New Day 4. Arnelle “Elay” Christine Vaquillar for the song Walang Iwanan 5. Jaruel “Jau” Capistrano and Lorry Jell Mendoza for the song Time Machine 6. Marie Tayag for the song Tuloy-tuloy
7. Andrei Chua and Cheska Cordero for the song Sabrina 8. Megren “Meg” Dimayuga for the song Miss Chubby 9. Briggoson “Jigs” Curugan and Daniel Quiachon for the song Pedicab 10. Robin Emadura and Mikki Emradura for the song Wrong Sent
Baka may mga manonood na magwalk-out dahil nakakatakot at nakapandidiri ang pelikula.”
ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio