Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Enchong Dee, nag-enjoy katrabaho si Sylvia Sanchez

AMINADO si Enchong Dee na bilib siya sa premyadong aktres na si Ms. Sylvia Sanchez. Magkasama ang dalawa sa pelikulang ‘Nay, isa sa entry sa 13th Cinema One Originals na magaganap sa November 13-21. Mula sa pamamahala ni Direk Kip Oebanda, tampok din dito si Jameson Blake.

“Ang laking bagay na magkaibigan kami, tapos ang laking bagay na na-guide rin kami ni Direk. Kasi iyong ganoong eksena, hindi siya magwo-work talaga kung hindi kayo komportable sa isa’t isa.

“Ang sarap lang katrabaho. Bibihira ka magkaroon ng senior actors na very supportive and on the go pagdating sa eksena. She really jumps into the scene. Kung ano ang ibigay sa amin ni direk, pag-uusapan namin kahit sa picture lang e nailalabas namin kapag makita ninyo sa pelikula. Makikita ninyo, grabe kakomportable naming dalawa. Actually its weird pero magkaibigan kami,” aniya.

Ano ‘yung walang takot na ginawa mo sa movie na ito? Sagot ni Enchong, “Siguro iyong ano, when we got the offer from this movie, there was a mission to cater to the audience na, we want to create the bloddiest film in the Philippine history.

“So I think, with that mission, there’s violence, there’s social commentaries na nakalagay na I think, it’s something na nagawa ko, na at the same time pinaniniwalaan ko when it comes to our society right now, in our government, with what’s happening in our society.”

Tiniyak din ng aktor na nakakatakot at madugong pelikula ang ‘Nay. “Akala ninyo family hindi ba dahil ‘Nay, but there is actually something na very-very bothersome kapag napanood n’yo itong pelikula. It’s a mentally challenging film.

ALAM MO NA!
ni Nonie V.  Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …