Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Guerrero, pelikulang nagbibigay ng pag-asa at inspirasyon

MARAMI ang nagandahan sa pelikulang Guerrero na nagkaroon ng premiere night kamakailan. Maganda ang feedback sa naturang pelikula ni Direk Carlo Ortega Cuevas.

Mula sa EBC Films, ang Guerrero ay kasaysayan ni Ramon Guerrero, isang boksingero na madalas natatalo pero hindi basta sumusuko sa laban. Laging nakasuporta sa kanya ang batang kapatid niyang si Miguel, na sobrang idolo ang kanyang kuya.

Magbabago ang takbo ng relasyon ng magkapatid sa pagdating ni Abby, ang babaeng mamahalin ni Ramon.

Ipinakikita rin dito ang kahalagahan ng isang pamilya, ng tunay na pagkakaibigan, at ang determinasyon sa mga bagay na mahalaga sa isang tao, kahit pa sabihing halos imposible na itong makamit. Although pahapyaw lang, makikita rin sa pelikula ang kahalagahan ng pananalig sa Diyos, na naging gabay ni Ramon upang muling bumangon at buuin ang kanyang buhay.   

Ang newcomer na si Genesis Gomez ang isa sa tampok sa pelikulang ito bilang si Ramon. Siya ay nakalabas na sa Sugo stage play ng Iglesia ni Kristo. Naging suporting cast din siya sa Felix Manalo, The Movie at napanood sa Walang Take Two. Plus, kasali rin siya sa sitcom sa Net25, titled Hapi Ang Buhay.

Saad ni Genesis, “Actually, hindi po ako makapaniwala na ipapalabas na itong movie namin. Ang nafi-feel ko po ngayon, very thankful po dahil dininig po ang lahat ng prayers namin. Ang Guerrero po ay film about love, faith and hope, about din ito sa family at may part na magpapakilig din, pero ang pinaka-purpose po ng film na ito ay makapagturo po tayo ng moral at Christian values.”

Ito ang unang sabak sa buhay-showbiz ng child actor na si Julio Cesar Sabenorio bilang si Miguel, si Joyselle Cabanlong naman ang gumaganap sa role na Abby.

Ayon kay Robert Capistrano ng EBC Films, ito ang unang venture ng kanilang movie outfit na hangaring makagawa ng mga inspirational movies para magsilbing inpirasyon ng mga Filipino.

Ang Guerrero ay mapapanood sa 57 cinemas nationwide simula sa November 12.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …