Monday , December 23 2024

Ultimatum ng MMDA sa illegal terminal at Bgy. 659-A execs

GALIT na nagbantang kakasuhan ni Gen. Lim retired Army general at Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Danilo “Danny” Lim ang mga opisyal ng Bgy. 659-A na pinamumunuan ni Chairwoman Ligaya V. Santos sa salot na illegal terminal sa Lawton, sa Ermita, Maynila.
Hindi marahil makapaniwala ang dating Army Scout Ranger na hindi seseryosohin ang kanyang naunang babala laban sa mga opisyal ng barangay matapos makarating sa kanyang kaalaman na nagsibalikan din sa binuwag na illegal terminal ang mga bus, UV Express at mga kolorum van sa paligid ng Liwasang Bonifacio sa Lawton.
Sa isang radio program noong Lunes o isang linggo makaraang personal niyang pangunahan ang pagbuwag ng MMDA sa salot na illegal terminal, nagbanta si Gen. Lim na kakasuhan si Santos at mga kasamang opisyal oras na muling mapaulat ang ilegal na aktibidad sa Lawton na sakop ng kanilang barangay.
Ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban kay Santos at mga kasamang opisyal sa Lawton ay mandato na nakapaloob sa memorandum of agreement (MOA) o nilagdaang kasunduan sa pagitan ng MMDA at ng Department of Interior ang Local Government (DILG) laban sa mga sutil na opisyal ng barangay.
Matatandaan na noong nakaraang taon pa paulit-ulit na ipinag-utos ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte ang pagbuwag sa mga illegal terminal sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, bagay na kung ‘di man nabigo ay sadyang hindi naipatupad ng MMDA sa ilalim ng puro daldal na si Tim Orbos.
Ang pagbalewala ni Santos at mga kasamahang opisyal sa naunang babala laban sa salot na illegal terminal ay ulat na ipinarating kay Gen. Lim ng mga itinalaga niyang bantay sa Lawton.
Si Gen. Lim na nga kaya ang matagal nang hinahanap na katapat ng sindikato na magdadalawang dekada nang bumababoy sa monumento ni Gat Andres Bonifacio?
Abangan!!!

PABAKURAN ANG LAWTON
TAMA naman ang pagtatalaga ni Gen. Lim ng mga sekretong bantay na MMDA, kailangan lang ay matiyak niyang hindi sila masusuhulan ng mga nagmamaskarang public officials pero sa katotohanan ay mga sindikato pala.
Higit isang dekada ang nakararaan, para sa kaalaman ni Gen. Lim, isang retiradong pulis-Maynila ang noo’y binaril at napatay bunsod ng agawan sa kita ng illegal terminal sa Lawton.
Kaya natitiyak natin na ang utak ng illegal terminal ay hindi papayag na basta mabuwag at masawata ang kanyang palabigasan sa Lawton.
Nasisiguro din natin na pagtatawanan lang ng animal na lider ng sindikato sa Lawton ang bantang pagsasampa ni Gen. Lim ng kaso sa DILG.
Nagkakamali si Gen. Lim sa pag-aakalang matatakot sa ultimatum ang lider ng mafia sa Lawton.
Kung sa karumal-dumal na murder at mga kasong kriminal ay ‘di kinatakutan ng bossing ng illegal terminal, gaano pa kaya ang administrative case lang sa DILG?
Ang tanging solusyon para masigurong hindi na maibabalik ng sindikato ang kanilang raket na illegal terminal at illegal vendors sa naturang barangay ay pabakuran ni Gen. Lim ang palibot ng Liwasang Bonifacio sa Lawton na hindi magagawang pasukin ng anomang uri ng sasakyan.
Lutas ang problema ng MMDA sa salot na illegal terminal sa Lawton kung kokopyahin at tutularan lang ni Gen. Lim ang Luneta na isinasarado sa publiko tuwing hatinggabi.

CORRUPT DBM EXEC
ISANG mataas na opisyal sa tanggapan ni Department of Budget and Management (DBM) Sec. Benjamin Diokno ang dapat isalang sa lifestyle check dahil sa pagiging tulisan.
Ang nasabing opisyal ay may naipatayo na 8 malalaking bahay mula sa limpak na kinitang kickback sa mga proyekto ng gobyerno at parang si Sen. Leila de Lima na nag-aalaga pa ng kalaguyo.
Ultimo kanyang mga kapatid ay naibili niya ng tig-iisang sasakyan at napag-aaral ang kanyang mga pamangkin sa mamahaling eskuwelahan.
Nagsimula raw ang mabilis niyang pagyaman sa panahon ni dating Pang. GMA at patuloy na pagkakamal hanggang sa kasalukuyang administrasyon.
Sana ay makapagtalaga na si Pang. Digong sa Presidential Anti Corruption Commission (PACC) na mag-iimbestiga sa mga gaya ni DBM official na unti-unti nating huhubaran ng maskara sa mga susunod nating kolum.
Subaybayan!!!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *