Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isabel, palalakasin muna ng kaunti bago operahan

TAMA ang desisyon ng mga doctor sa Hammad General Hospital na huwag munang isailalim agad si Isabel Granada sa operasyon. Ganoon ang naging paniniwala ng espeyalista naming doctor. Kasi sinasabi niyang masyadong delikado ang ganyang klase ng surgery, at baka lalong hindi makayanan ni Isabel ang matagalang procedure na iyon. Nagdesisyon ang mga doctor niya na palakasin muna ng kaunti pa ang kanyang katawan at kung medyo ok na ang kanyang kondisyon at saka isasagawa ang operasyon.

Kung sakali, may dalawang options. Maaaring doon na rin sa Qatar isagawa ang operasyon, o maaari rin siyang iuwi sa Pilipinas. Pero ang suggestions nga ng mga expert, kung aalisin din siya sa Qatar, mas mabuting dalhin siya sa US o sa Canada, na may mas mahuhusay na experts, at may mas makabagong facilities para sa ganoong klase ng procedure.

Ang maganda nga lang balita, on the second day, kahit na comatose pa rin si Isabel, naging normal na ang kanyang vital signs. Ok na ang kanyang pulso. Ok na rin ang kanyang blood pressure at nang kinakausap nga ng asawa niyang si Arnel Cowley ay sinasabing nangilid ang kanyang luha, ibig sabihin may emotions siya at nangangahulugan iyon na hindi siya brain dead kagaya ng ibang nabalita. Iyon kasing sinasabing brain dead, wala nang emotions iyon.

Sa ngayon wala naman tayong magagawa kundi ipanalangin si Isabel. Maging ang mga medical practitioners ay walang masasabing eksaktong magagawa sa ganyang sitwasyon. Ang lahat ng kanilang gagawin ay “baka sakali” lamang dahil iyang brain surgery ay tinatawag nga nilang “blind operation”, ibig sabihin hindi mo talaga masisiguro kung ano ang kahihinatnan, at ang isinasailalim sa ganyan ay iyong inaakala nilang wala nang ibang paraan para iligtas pa. Pinapipirma rin ng waiver ang pamilya, ibig sabihin ang magsasagawa niyon ay wala ni katiting mang pananagutang legal kung ano man ang mangyari.

Sa sitwasyon ni Isabel sa ngayon, Diyos lamang ang may magagawa.

PAGTANGGI NI AGA
NA GUMAWA NG
LOVE STORY MOVIE,
WISE DECISION

SABI nila, iyong comeback movie ni Aga Muhlach ay kumita ng P153-M sa halos dalawang linggo noong showing. Hindi lang naman si Aga ang artista roon, marami sila, pero dahil sa naging reaksiyon nga ng mga nakapanood, mukhang ibinibigay nila kay Aga ang credit.

Iyang ganyang halaga para sa isang Aga Muhlach movie ay hindi mo masasabing isang malaking hit. Mild hit lang iyan. Pero kung iisipin mo ang kinikita ng maraming pelikula ngayon, masasabi mo ngang bongga na ang comeback ni Aga. Mukhang tama ang kanyang diskarte. Kung tinanggap niya ang isang naunang offer na love story, baka nakasama pa siya sa paglibag ng pelikula ng kanyang leading lady.

Of course ang dahilang sinasabi ni Aga, medyo mataba pa siya at hindi pa bagay na maging leading man sa mga ganoong love stories. Pero ano man ang kanyang dahilan, masasabi nga nating wise decision ang kanyang ginawa.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …