Sunday , December 22 2024

Revolutionary gov’t ng pangulo labag sa batas (Unang Bahagi)

ANG banta ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na magtatayo siya ng isang “revolutionary government” para mapangalagaan ang kanyang administrasyon laban sa mga tinawag niyang “destabilizers” ay malinaw na labag sa 1987 Constitution dahil wala itong probisyon para sa pagtatatag nito.
Nilagyan ng maraming proseso ang Saligang Batas para mapangalagaan ang pamahalaan o legal na mabago ang estruktura nito kung nanaisin ng bayan, pero walang inilagay na proseso ang mga sumulat ng ating Saligang Batas kaugnay sa sinasabi ni Duterte na “revolutionary government.”
Kabilang o ilan sa mga proseso na nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 na may kaugnayan sa proteksiyon ng pamahalaan o ‘di kaya ay pagbabago ng estruktura nito ang mga sumusunod: • ang pagakakaroon ng regular na halalan, • ang pagkakaroon ng panuntunan sa tinatawag na “legal succession,” • ang pagkakaroon ng iba’t ibang paraan ng pag-aamyenda o pagpapalit ng Saligang Batas,•ang pagkakaroon ng proseso kaugnay sa pagdedeklara ng Batas Militar; • at ang pagkakaroon ng monopolyo ng pamahalaan sa lakas militar o paggamit ng instrumento ng karahasan.
Wala sa mga nabanggit ang pagtatayo ng “revolutionary government.”
Sa payak na palagay ng Usaping Bayan, naging labag sa batas ang plano ni Duterte dahil bukod sa wala ito sa Saligang Batas ay isa itong pagsira sa kanyang sinumpaang tungkulin bago siya manungkulan bilang pangulo ng bansa.
Ayon sa Section 5, Article VII ng Saligang Batas ng 1987 ang sumpa sa katungkulan ay nagsasaad ng ganito: “I do solemnly swear [or affirm] that I will faithfully and conscientiously fulfill my duties as President [or Vice-President or Acting President] of the Philippines, preserve and defend its Constitution, execute its laws, do justice to every man, and consecrate myself to the service of the Nation. So help me God.”
Dahil dito ay malinaw ang atas niya kay Duterte na kanyang dapat panatilihin at ipagtanggol (preserve and defend) ang kasalukuyang Saligang Batas. Sa madaling salita, hindi siya puwedeng magtayo ng “revolutionary government.”
At dahil malinaw na hindi ayon sa batas ang pinagsasabi ni Duterte ay marapat natin siyang tanungin kung anong Saligang Batas ang kanyang sinusundan, pinananatili o ipinagtatanggol, ang 1973 (ang Saligang Batas ni Marcos) ba o 1935 (Ang Saligang Batas ng mga kolonyal)?
(May kasunod sa Biyernes)
***
Ang Philippine Drug Enforcement Agency na ang mangunguna sa digmaan laban sa bawal na gamot. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com
Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.
***
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *