Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jackie Chan at Piece Brosnan, magsasagupa sa The Foreigner

DALAWANG respetadong aktor ang magkakabanggaan sa nakaaantig at napapanahong action thriller mula sa direktor ng Hollywood blockbuster film na Casino Royale.

Magbabanggan sina Jackie Chan at Pierce Brosnan sa The Foreigner. Gagampanan ni Chan si Quan, isang restaurant owner na namatayan ng anak dahil sa pambobomba ng mga terorista. Para matukoy ang mga salarin, humingi ng tulong si Quan kay Irish Deputy Minister Liam Hennessy na ginagampanan ni Brosnan. Nang tanggihan siya nito, ipinamukha ni Quan kay Hennessy ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa nakaraan nito na nagpapatunay na may kakayahan si Hennessy na matukoy ang mga salarin. Para mabulabog si Hennessy at mapilitang ilabas ang impormasyon, ipinakita ni Quan na kaya rin niyang gumawa at magpasabog ng bomba.  Habang mas tumitindi ang tensiyon sa dalawa, nasisiwalat din ang iba pang trahedya sa buhay ni Quan, kaya’t puspusan ang paghahanap na ginawa niya sa mga terorista.  

Ayon sa producer na si Scott Lumpkin (Masterminds, Safe Haven, Best of Me), ang pelikulang ito ay tungkol sa paghahanap ng katarungan hindi lamang para sa katatapos na trahedya sa buhay ni Quan kundi para sa lahat ng sakit na pinagdaanan niya sa nakaraan. Ang pelikula ay base sa 1992 best selling novel na The Chinaman, ng acclaimed crime writer na si Stephen Leather.  
Habang isinusulat ang pelikula, nasa isip na ng screenwriter na si David Marconi (Enemy of the State, Live Free or Die Hard) na sina Chan at  Brosnan ang magiging star ng pelikula.

Tinanggap ng legendary martial artist ang papel dahil ayon sa kanya, ”Every year, I try to do something different…(this) will give audiences a chance to see another side of Jackie Chan.”

Sang-ayon si Lumpkin na ngayon pa lang makikita si Chan sa ganitong role dahil hindi lang basta aksiyon ang ipinakita ng aktor.  Tahimik ang pagkatao ng kanyang karakter at lahat ng ginagawa nito ay planado at matinding pinag-iisipan.
 
Inamin ng producer na si Jamie Marshall (Twilight, Warrior, Immortal) na kinabahan siya kung paano magagampanan ni Chan ang papel dahil punompuno ito ng ”energy and youth”, ngunit pagkatapos ng “hair and makeup and three hours of rehearsals with director Martin Campbell”, nakuha agad ni Chan ang kanyang papel, na ikinamangha ng producer.

Hindi maitatanggi na ”oozing with class” ang aktor na si Brosnan kaya binigyan niya ng ”sense of balance, coolness and class” ang karakter ni Hennessy. ”Hennessy is completely believable – he’s got a great charm at the beginning, but slowly he reveals how much of a bad-ass he is,” dagdag pa ni Lumpkin.  

Ito ay reunion movie ni Brosnan at ng director/master storyteller na si  Campbell.  Nagkatrabaho na sila sa 1995 James Bond movie, Goldeneye.  

Ipinagmamalaking ihandog ng VIVA International Pictures at MVP Entertainment ang The Foreigner na palabas na sa October 18.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …