Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Polo Ravales, masayang maging bahagi ng Kapamilya Network

NAKAKIKILITI at matindi ang love scenes nina Polo Ravales at Nathalie Hart sa pelikulang Balatkayo. Mula sa BG Productions ng businesswoman na si Ms. Baby Go at sa pamamahala ni Direk Neal Tan, gumaganap dito sina Polo at Nathalie bilang magkalaguyong OFW na nagtatrabaho sa Dubai.
“Marami silang masisilip dito, like may pumping scene, may butt exposure pati breast exposure. Pero kailangan kasi sa story talaga iyon, e. It was done artistically talaga,” saad ni Polo.
Dagdag niya, “Ang role ko rito ay iyong normal na lalaki na isang OFW na malayo sa pamilya niya, tapos ay darating ang mga usual na temptations sa buhay. Super makare-relate ang mga makapapanood nito, dahil nangyayari sa totoong buhay ang makikita nila sa movie.”
Misis ni Polo rito si Aiko Melendez na isa namang OFW sa Singapore, na may kalaguyo rin doon. “The movie is about the life of an OFW and makikita rito ang mga problema na kinahaharap ng mga kababayan natin na nagtatrabaho sa ibang bansa.
“Dito nga sa movie, nagkaroon ng sex video ang anak namin ni Aiko, kaya kailangan niyang umuwi sa Pilipinas para ayusin ang problema,” saad ni Polo na napapanood din ngayon sa La Luna Sangre ng ABS CBN.
Speaking of LLS, Kapamilya ka na ba ngayon? “Freelance, freelance ako,” pakli ni Polo. “Masayang-masaya ako, number 1 ngayon ang La Luna Sangre, so I’m very proud for being a part of it. I’m so blessed to be a part of La Luna Sangre and thankful sa ABS CBN kasi they gave me the opportunity to showcase my talent as an actor,” dagdag niya.
Paano kung may offer na kontrata ang Dos? “Of course mas okay ‘yun, I would love to be a part of their family. Masarap magtrabaho sa ABS, quality ‘yung shows na ginagawa nila. Maganda, maganda ‘yung mga shows and nakata-challenge.”
Ang LLS ay star-studded at iyong iba ay namatay na, ano ang masasabi mo rito?  ”Oo nga, star-studded talaga. Sobrang dami ng artista, sana tumagal pa ang role ko roon. Na hanggang sa huli, nandoon ako sa La Luna Sangre,” wika ni Polo ukol sa seryeng pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …