KUNG meron mang dapat sisihin sa pagbagsak ng satisfaction at trust rating ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, ito ay walang iba kundi ang mga taong nakapalibot sa kanya at nakapuwesto sa kasalukuyang administrasyon.
Sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS), lumagapak ang net satisfaction rating ni Digong sa third quarter ng taon. Bumagsak ng 18 puntos ang net satisfaction rating niya na 48 percent kompara sa dating 66 percent noong Hunyo. Sinasabing ang war on drugs ang naging basehan sa pagbagsak ng kanyang rating.
Ginawa ang survey noong 23-27 Setyembre 2017, at tinanong ang 1,500 respondents mula sa iba’t ibang parte ng bansa.
Pero hindi dapat magturo ang mga nakapa-libot kay Digong sa kung sino ang responsable sa pagbagsak ng rating ng pangulo dahil sila mismo ang may kasalanan bunga na rin sa palpak at hindi matinong pangganap sa kani-kanilang mga tungkulin.
Unang dapat sisihin dito ay si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar. Malinaw sa mandato ng PCOO na magsilbi bilang tagapagpalaganap ng impormasyon hinggil sa mga gawain ng gobyerno, partikular kay Digong.
Pero sa halip gampanan ni Martin ang kanyang tungkulin, inatupag niya ang pakikipagba-ngayan sa mga reporter. Sino ang makalilimot sa ginawa niyang akusasyon na tumanggap daw ng suhol ang Senate reporters sa kasagsagan ng Davao Death Squad controversy na isiniwalat ni Lascañas sa Senate hearing.
Isa pa itong si House Speaker Pantaleon Alvarez na imbes asikasohin ang usapin sa pagpapasa ng mahahalagang panukalang batas, puro intriga at kontrobersiya ang inaatupag sa Kamara. Hindi ba mismong si Alvarez ang umaming may ibang babae siyang kinakasama at hindi ang kanyang tunay na asawa?
Isa pa si Labor Sec. Silvestro Bello, na kung inasikaso lang ang usapin sa contractualization tiyak na hindi pagbubuntunan ng galit ngayon si Digong ng mga militanteng manggagawa.
At sino ang makalilimot sa napakaraming kapalpakan nitong si PNP chief Bato dela Rosa? Kung nadisiplina lang kasi nitong si Bato ang kanyang mga pulis tiyak na hindi lalaganap ang usapin sa EJK.
Lalo pa siyang kinabuwisitan ng publiko nang tawagin niyang mga ingrato ang kritiko imbes umanong magpasalamat sa mga pulis ay kinokondena sila dahil sa casualties ng war on drugs. Kamote!
Hindi rin dapat natin kalimutan si Transportation Sec. Arthur Tugade na hanggang nga-yon, sa halos dalawang taon niya sa puwesto ay walang ginagawang aksiyon para matapos ang kalbaryo ng mga pasahero sa paulit-ulit na pagkasira ng LRT at MRT.
Isa pang dapat punahin ang Presidential Task Force on Media Security na pinamumunuan ni Joel Egco. Umabot na sa apat na mamamahayag ang namatay sa ilalim ng administras-yon ni Digong at hindi natin alam kung ano ang ginagawa ngayon ng task force para hindi na maulit ang nasabing insidente ng pamamaslang.
Hindi na dapat maghintay pa si Egco na may mapatay na isa pang mamamahayag bago sila kumilos. Nasa mahigpit na koordinasyon ang kailangang gawin para maisagawa ang mga paghahanda lalo kung nahaharap ang isang journalist sa panganib.
Malinaw na ang pagbagsak ng rating ni Digong ay dahil na rin sa mga nakapalibot sa kanya, at kung hindi sila kikilos at magtatrabaho nang matino ay magpapatuloy ang pagbagsk ng tiwala ng taongbayan kay Digong.
Check Also
Gunning for amendments
FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …
Seguridad ng QCitizens sa ‘Misa De Gallo’ tiniyak ni Buslig
AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …
3 araw ng Metro road deaths
FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …
Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!
AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …
Victory Liner Inc., goes eco-friendly
AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …