Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mrs. Dantes’s time on TV is up; Coco Martin, ‘di makabog-kabog

HINDI na namin pagtatakhan kung isa sa mga araw na ito’y tigbak na sa ere ang fantaserye ni Mrs. Dantes.

As expected, single digit ang nirehistrong rating ng pilot episoe nito kompara sa 12% plus ng teleserye ni Coco Martin to think na ang survey ay isinagawa pa mandin ng ahensiya identified with GMA 7. Ibig lang sabihin, hindi talaga maaaring i-rig o dayain ang mga figure para pumabor sa nasabing estasyon.

Kung bakit naman kasi ipinagpipilitan ng GMA na itapat ang fantaseryeng ‘yon sa ‘di makabog-kabog na palabras sa ABS-CBN. Ano pa, para lang mapanindigan ang Primetime Queen title ni Mrs. Dantes?

But the result is much too disappointing. 

At para makabawi sa pagkakabagsak ng ratings nito (pababa nang pababa ang figures!), balak ng bidang aktres na galugarin ang buong Pilipinas lalo na ang pagri-reach out sa mga guro para tangkilikin ang kanyang serye.

Sorry, pero may niche na ang teleserye ni Coco which has been on air for nearly two years as opposed to that of Mrs. Dantes na hindi bagay at kapani-paniwalang gumanap bilang isang karespe-respetong titser!

Siguro, may fighting chance pa sa ratings ang seryeng ‘yon ni Mrs. Dantes kung inilagay ‘yon sa afternoon Prime block ng GMA, never on primetime dahil nakopo na ito ng ABS-CBN sa mga magkakasunod nitong palabas.

Kung tutuusin, wala namang masamang mangarap na may “future” ang anumang show, pero malaki ang kaibahan ng mangarap at mag-ilusyon, ‘no!

Dahil ang nagsusumigaw na katotohanan, Mrs. Dantes’s time on TV is up sa tanggapin man niya o hindi! At malaking factor doon ay ang kanegahan ng mga isyung kinasasangkutan niya!

Magpakatotoo na tayo, Rams David!

HOT AW!
ni Ronnie Carrasco III



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …