MARAMI rin pala ang nakapuna sa nakaraang seminar ng counter-terrorism sa Bureau of Immigration na ginanap sa Clark Freeport Zone sa Pampanga tungkol sa “absence” ng hepe ng Center for Training and Research na si Atty. Roy Ledesma.
Hindi raw yata “feel” ni RPL ang ganitong klaseng activity lalo pa nga at ang sponsor ay US embassy at hindi ang BI gaya ng mga ibang isinasagawang training.
Sabagay kung tayo nga naman ang tatanungin, mas mabuti na nga kung iba na lang ang humawak ng CTR.
Marami raw kasi ang hindi naeengganyong dumalo kapag nalaman nila na si RPL ang nasa likod ng training.
Hindi raw kasi nila feel ang method of teaching na ginagawa ni RIP ‘este RPL.
Marami umano sa participants ang naiinsulto considering na karamihan sa kanila ay professionals din na gaya niya.
Ganoon din ang mga newly trained IOs na hindi maka-get-over sa klase ng kanyang pagtatanong.
Lumalabas tuloy na parang nambu-bully lang ang nasabing training chief at lahat ng kanyang tanong ay wala rin tamang sagot?
Tsk, tsk, tsk!
Malaki raw ang pagkakaiba ng estilo ng pagtuturo nito kaysa mga humawak noon ng CTR gaya nina Madam Barroso at ni ateng ‘este Atty. Tonettesky.
Mas mabuti na nga raw siguro kung mag-concentrate na lang sa BSI si ateh ‘este Atty. Ledesma na magagamit nang husto ang kanyang expertise sa iba’t ibang immigration cases.
Kung mangyayari ito, marami sa mga BI employees ang matutuwa.
Ganoon din ang kanyang mga kabarkads na sina Tita Betty at Tita Anna?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap