Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iginagalang ko si Aiko, hindi ko siya gagawing support lamang — Direk Hernandez

HINDI pa rin tapos ang pinag-uusapang hinaing ni Aiko Melendez sa pelikula nilang New Generation Heroes ng Golden Tiger Films na palabas na ngayon sa mga sinehan.

Inirereklamo ni Melendez na hindi siya ang lumabas na bida sa pelikula tulad ng ipinangako at pinag-usapan nila ng director nitong si Anthony Hernandez.

Nag-post sa Facebook ng sama ng loob si Melendez matapos niyang mapanood ang kabuuan ng pelikula sa ginanap na premiere night kamakailan sa SM Megamall.

Kaya naman hiningan namin ng reaksiyon si Direk Hernandez ukol dito. Iginiit ni Hernandez na bida si Melendez sa pelikulang New Generation Heroes. Narito ang text message na ipinadala sa amin ng director.

“There are four lead characters in the movie—Salvacion (Ms. Anita Linda), Lolita (Joyce Penas), Gener (Jao Mapa) and Cora.  For me, Ms. Aiko Melendez is the lead of this movie ‘New Generation Heroes’.

“Sa bigat ng character ni Aiko as Cora. Kay Cora ang current social issue like tokhang ang drugs also as OFW. Hindi ko naman gagawin na support siya, I respect her.  

“Napakataas ng tingin ko at paggalang sa kanya. Nagulat ako na may impression siya na si Joyce Penas ang bida. Nag-asses din ako after ng premiere night.

“I am sorry if she feels disrespected. Pero ako sa sarili ko at buong team, siya ang bida namin. Si Aiko ang may pinakamabigat at meaningful na karakter kaya iyon ang inalok kong role sa kanya at hindi iyong Lolita.

“Again, sorry if she feels disrespected. It was never my intention.”

Hangad namin na magka-ayos sina Melendez at direk Hernandez dahil sa napanood namin, tama ang tinuran ng huli, may bigat ang role ni Aiko at hindi masasabing maliit ang kanyang role. Lumabas pa rin ang galing niya sa pelikula.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …