Saturday , November 23 2024

Anyare sa kaso ng tatlong doktor na pinaslang?

KABI-KABILA ang nakita nating protesta at narinig nating galit sa pagpaslang sa mga kabataan na sina Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Duzman (na hanggang ilibing ay kuwestiyonable kung siya nga ang bangkay dahil hindi nag-match ang DNA result sa kanyang mga magulang) na kinasasangkutan ng mga pulis-Caloocan.

Katunayan, nanawagan pa ang iba’t ibang sektor laban sa administrasyong Duterte dahil sa sinasabing extrajudicial killings.

Ang tanong lang naman natin, kung concern ang mga nasabing sektor sa walang habas na pamamaslang, bitbit ang drug war ng Duterte administration, bakit hindi sila naging concern sa tatlong provincial doctors na pinaslang nitong taon lang na sina Dr. Dreyfuss Perlas, na pinatay sa Lanao del Norte noong 1 Marso 2017, habang ang ophthalmologist na si Shahid Jaja Sinolinding ay pinaslang sa kanyang clinic sa Cotabato City noong 18 Abril 2017, at si Dr. George Repique, provincial health officer ng Cavite ay binaril sa likod ng riding-in-tandem noong gabi ng 11 Hulyo 2017 habang nasa kanyang sasakyan pauwi sa kanilang bahay.

Ano na ang nangyari sa kaso ng tatlong doktor?!

Nag-follow-up ba ang Department of Health (DoH) sa status ng kaso ng tatlong doktor nila?!

Nagsalita ba ang akademya sa pagpaslang sa tatlong doktor? Ang mga militante, nagalit ba at nanawagan ba ng pagbibitiw ni Digong dahil sa pinaslang na tatlong doktor?!

At higit sa lahat, kumibo ba ang mga nag-rally sa Plaza Miranda at sa Luneta para alamin kung ano na ang status ng kaso ng tatlong doktor na pinaslang?!

Wala tayong narinig at mukhang walang interesado, mamatay man o patayin ang mga doktor na naglilingkod sa malalayong probinsiya para sa maliliit nating kababayan.

Ngayon, gusto natin tanungin, may ginawa pa si PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa mga pulis o sa hepe nila na hanggang ngayon ay walang ulat kung ano nangyari sa kaso ng mga pinaslang an doktor?

Umaasa tayo na mayroong ginawa si Gen. Bato dela Rosa at umaasa tayo na seryoso siyang resolbahin ang kaso ng pamamslang sa tatlong barrio doctors.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *