BAGONG bill pero lumang tunog ang isinusulong an House Bill 913 (Journalist Protection, Security, and Benefit Act) ni Kabayan party-list Harry Roque.
Hindi ba’t tuwing may bagong presidente laging may bagong task force para sa kaligtasan ‘kuno’ ng mga mamamahayag?
O baka naman bagong imbentong puwesto at task force para pagsaksakan ng mga buraot na nakapambobola ng uto-utong opisyal ng pamahalaan?!
Kumbaga sa organizational chart, nakakahon sa literal na dotted line.
Pero sa aktuwal, wala rin namang nahihitang proteksiyon ang mga mamamahayag.
Uulitin na naman ng inyong lingkod, ako mismo na dating presidente ng National Press Club (NPC) ay naging biktima ng mga abusadong awtoridad.
Sa kasong Libel ay inaresto ang inyong lingkod sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) isang araw ng Linggo, Easter Sunday, sa harap ng aking mga anak na noo’y kasama kong umuwi galing sa isang bakasyon sa labas ng bansa.
Ginawa ko ang lahat ng paraan para makamit ang katarungan at papanagutin ang mga abusadong pulis kasabwat ang promotor ng pag-aresto sa akin.
Pero nakalulungkot na isang gawa-gawang fuck ‘este ‘commissioned’ fact finding task force na pinamumunuan ng isang gago ‘este abogado kasama ang ‘radio man’ (hindi broadcast journalist) kundi laging may dalang radio, ang nagdesisyon na ang inyong lingkod pa ang may kasalanan kung bakit naaresto.
Inireklamo ng inyong lingkod sa Ombudsman ang mga abusadong pulis na umaresto sa akin, pero dahil wala naman maitutulong sa karera ng Ombudsman ang kasong aming inihain, tinulugan lang hanggang tumagal.
Kung maaprubahan ang HB 913 ni Congressman sana naman ay hindi ito maging selective at sana naman ay hindi magamit sa pagpapapogi at propaganda lang.
Inuulit po ng inyong lingkod, kung may katotohanan ang batas na ‘yan, sana ay maglingkod nang tunay sa mga mamamahayag.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap