MEDICAL Cannabis o legal na paggamit ng marijuana bilang gamot ang layunin ng House Bill 180 o “Philippine Medical Compassionate Medical Cannabis Act.”
Aprubado na ito sa House Committee on Health matapos ang konsultasyon sa pasyente, advocacy groups, health care practitioners at mga eksperto.
Iniakda ni Isabela Representative Rodolfo Albano, layunin nito na maging legal sa ilalim ng itinatakdang regulasyon ang medikal na paggamit ng cannabis.
Kapag naaprubahan ang nasabing batas, magtatayo ng Medical Cannabis Compassionate Centers (MCCC) na awtorisadong magbenta, mag-supply at magbigay ng cannabis sa mga kuwalipikadong pasyente o kanilang tagapag-alaga sa pamamagitan ng S3-licensed pharmacists.
Ang MCCC ay lisensiyado ng Department of Health (DOH) na ilalagay sa mga department-retained hospitals, specialty hospitals at iba pang private tertiary hospitals.
Itatayo rin ang Medical Cannabis Research and Safety Compliance Facilities na magasagawa ng scientific and medical research para sa medical use ng cannabis.
Ang DOH ay mag-iisyu ng identification cards sa mga kuwalipikadong medical patients batay sa sertipikasyon ng isang doktor.
Klaro!
Sana lang ay ganyan din kaklaro kapag ipinatupad nila ito.
At higit sa lahat huwag sanang samantalahin ng mga komersiyante at komersiyalisadong pharmaceutical companies.
Mas lalong hindi dapat samantalahin ng mga taong may masasamang intensiyon.
For the meantime, let’s wait and see.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap