Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpapalabas ng New Generation Heroes, isasabay sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day

“INTENDED for commercial release po talaga ang pelikulang ‘New Generation Heroes’.” Ito ang sagot sa amin ni Direk Anthony Hernandez nang tanungin namin kung bakit hindi isinali ang pelikula sa Metro Manila Film Festival.

Pero gusto talaga nilang isali ito sa MMFF kaya lamang February na nila naumpisahan ang paggawa ng advocacy film na ito ukol sa mga guro at katatapos lang nito kamakailan. ”Nag shoot pa kami sa Korea. Hindi rin tuloy-tuloy ang shooting namin kaya medyo natagalan. Nag-schedule kami sa availability ng mga artista,” paliwanag pa ni Direk Hernandez.

Pang-10 pelikula na ni Direk Hernandez ang New Generation Heroes at iginiit niyang pawang kumikita naman ang mga pelikulang ginagawa niya dahil talagang pinagkakasya niya ang budget na hinihingi nila sa producer.

“Eight to 10 days shooting days ang ginagawa namin. Kapag nag- commit ako sa producer na ito ang budget, I try to squeeze the budget for that,” sambit pa ng director kaya siguro marami talaga ang nagtitiwala sa kanya. Katunayan, may bago na naman siyang pelikulang uumpisahan sa Oct. 8 na pagbibidahan naman ng tinaguriang Badjao Girl, si Rita Gaviola.

Pero mas gusto munang tutukan ni Direk Hernandez ang advocacy film nilang ito nagbibigay kahalagahan sa mga guro.

Aniya, na-review na ng MTRCB ang New Generation Heroes at nabigyan ito ng Rated PG kaya masaya silang marami ang makakapanood nito sa Oktubre 4.

Aniya pa, nakipag-usap na sila sa SM management at nakapaglatag na ang mga ito kung saan-saang sangay ng SM ipalalabas ang kanilang pelikula. ”And hopefully this week madaragdagan pa ang mga cinema na ibibigay nila sa amin. Ang target namin is 50-100 cinemas,” masayang pakikipaghuntahan pa nito sa amin.

Ang kanilang ring kompanya, ang Golden Tiger Films ang magri-release ng kanilang pelikula at hindi nila ipina-release sa tiinatawag na Big 3. ”Kami rin ang gumagawa ng marketing strategy. Sa SM cinemas, tamang-tama dahil kasabay iyon sa presentation ng ‘World Teachers’ Day nila. Bale gagamitin din nila itong pelikula namin in time for that occasion,” pagbabalita pa ni Direk Hernandez.

Umaasa rin silang makakukuha ng slot sa Robinsons cinema at Ayala.

Natanong din namin si Direk kung sino ang dream niyang makatrabaho o maidirehe at walang kagatol-gatol niyang sinabing sina Nora Aunor at Vilma Santos. ”That’s why nagbabraso ako na makapag-aral sa New York Film Academy. Naka-register na ako online at pupunta ako sa December to sign all the forms and mag-schedule na for schooling,” pagbabalita pa ng director. “Actually it’s one year pero it’s up to me kung ite-take ko siya every three months na uuwi ako sa ‘Pinas o mag- stay ako roon for the whole year.”

Ang New Generation Heroes ay ukol sa apat na teachers na humarap sa iba’t ibang pagsubok at pakikibaka sa buhay. Bukod kay Aiko Melendez, bida rin dito sinaAnita Linda, Joyce Penas, at Jao Mapa handog ng Golden Tiger Films at mapapanood na sa October 4.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …