Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Singer-comedienne, naimbiyerna; TF, ‘di pa rin tumataas

NAMUMULA sa hiya pero walang magawa ang isang production staff ng isang weekly TV show nang soplahin siya ng inimbitahan nilang singer-comedienne para mag-guest sa isang episode kamakailan.

Pagkaabot na pagkaabot kasi ng staff ng cash voucher sa mang-aawit-komedyana para papirmahan, nanlaki agad ang mga mata nito sabay dayalog ng, “Ano ba ‘yan? Wala bang budget ang show na ‘to? Eh, hindi na tumaas ang TF (talent fee) ko rito, samantalang suki n’yo naman ako!”

Imbiyerna man at pumirma na rin ang bida sa kuwentong ito. Sa isip-isip niya, barya-barya man na maituturing ang TF niya ay sayang din lalo’t wala naman siyang regular na pinagkakakitaan.

Da who ang singer-comedienne na feeling binarat ng isang lingguhang TV show? Itago na lang natin siya sa alyas Glydel Givenchy.

(Ronnie Carrasco III)



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …