Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Torres Dingong Dantes Marian Rivera
Andrea Torres Dingong Dantes Marian Rivera

‘Pang-aapi’ kay Andrea, ibubulgar na

ISANG late night phone convo ‘yon sa isang dating katrabaho sa GMA. Ang paksa ng aming pag-uusap, si Andrea Torres.

As we all know, umalis na ang sexy actress sa pangangalaga ng Triple Ana pagmamay-ari ni Mr. Tony Tuviera a few months ago. Bagamat walang ibinigay na dahilan si Andrea sa kanyang pag-alis, common sense—plus being updated sa mga kaganapan sa showbiz—would dictate na malaking bahagi ng kanyang pag-alis ay may konek kay Mrs. Dantes.

Naisulat na namin dito sa Hataw ang nangyaring face-off sa dalawang aktres na parehong nasa ilalim ng Triple A.

Bale ba, ang nag-arrange ng deceptive meeting nina Andrea at ng isang aktres ay empleado rin ng Triple A na inaasahang hindi magiging biased sa sinuman sa kanila.

Well, apparently ay hindi ganoon ang kinalabasan. Obvious na hinayaan lang ng taong ‘yon na “kawawain” si Andrea gayong dapat sana’y dinepensahan din niya ito.

Back to our phone chat with a former co-worker in GMA. Sa ngayon ay nasa GMA Artist Center na si Andrea. At kung hindi kami nagkakamali, ang departamentong ito’y pinamamahalaan ni Simon Ferrer (sorry, hindi namin siya kilala).

With Andrea’s career now being taken care of by GMAAC, umaasa ang mga taong nagmamalasakit sa aktres na all-out ang suporta nito sa kanyang career.

By all-out support, we mean na hindi lang pababayaan si Andrea in terms of projects na ibibigay sa kanya ng network kundi ang depensa which she rightfully deserves against Mrs. Dantes if ever may emote na naman ito tantamount to power-tripping.

Kailangang patunayan ng GMAAC na handa nitong ipaglaban si Andrea laban sa kung anong pagbabanta ng mga nagrereyna-reynahan sa network who think they can get rid of other lesser stars at a snap of a finger.

Dahil kung hindi, nakikinita na naming ang susunod na lalayasan ni Andrea ay ang GMA mismo dragging her feet patungong ABS-CBN.

At kapag nangyari ang ganitong posibilidad, this must send an alarming signal to Mrs. Dantes. Ano pa ang dapat katakutan ni Andrea kung sakaling ibunyag na niyang lahat ang katotohanan ng “pang-aapi” sa kanya?

Waley na!

God forbid, pero ito ang dapat ipagdasal nang taimtim ni Mrs. Dantes as Andrea’s expose will surely put a bitter end to her career!

Despuwes, GMAAC, alagaan n’yong mabuti si Andrea or else…

What else?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …