Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman man

Male personality, mahilig magkuwenta pagdating sa pera

MAY pagkamakuwenta pala ang male personality na ito sa kanyang actress-wife pagdating sa pera.

Tsika ng aming source, ”Naku, huwag na huwag mong hihiramin ang sasakyan nila, tiyak na isang malaking isyu ‘yon doon sa lalaking personalidad na ‘yon! Tulad na lang niyong minsang hiniram ng bayaw niya (kapatid ng kanyang dyowang aktres). Aba, nang isauli na kasi niyong bayaw ‘yung hiniram na karu, eh, may sira ‘yung tinutuntungan pagsakay. Bale ba, bukod sa mahal pala ang pagpapagawa roon sa na-damage, eh, ioorder pa ‘yung piyesa sa Germany yata ‘yon. Hulaan mo kung magkano…P40,000 pala ang halaga ng piyesang ‘yon! Natural, dahil wa naman work at career ang syupatid ng dyowa niyang aktres, eh, silang mag-asawa ang gagastos! Hayun, inis na inis ang male personality sa bayaw niya dahil nagastusan pa silang magdyowa!”

Da who ang lalaking personalidad na ito na dyowa ng isang aktres, na ang syupatembang naman ay nanghiram ng sasakyan na nang ibalik ay may damage? Itago na lang natin ang mag-asawa sa alyas na Bryan Dela Cruz at Sheryl Mirasol. 
(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …