Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dennis, gumanda ang relasyon sa pamilya simula nang maging Christian

Ukol naman sa kanyang amang si Dennis Roldan, nasabi nitong na-ospital ang ito dahil inoperahan ang large intestine. ”Okey naman po siya naoperahan po siya kaya medyo nagtagal sa ospital. Napayagan naman po siya, kaya lang doon sa accredited hospital na puwede. Ospital ng Muntinlupa, roon po siya.

“Successful naman po ang operation niya,” pagbabalita nito ukol sa kanyang ama at sinabing nakakadalaw naman sila once a month dahil na rin sa mahigpit na patakaran sa Muntinlupa na 30 minutes lang nila nakakasama. Naibalita rin ni Michelle na malaki ang ipinagbago ng kanyang ama simula nang maging Christian. ”Nakilala niya talaga si God noong nasa loob siya ng kulungan. ‘Yung una niyang pagkakulong mabilis siyang nakalabas, one year lang yata kasi nakapag-bail siya. Tapos matagal siyang nasa labas noon. Eight years siguro.

“Malaki talaga ang ipinagbago kasi rati hindi kami laging nagtsi-church, hindi nagpa-practice o nagpi-pray as a family. Close naman kasi as a family. Pero noong nakilala naming lahat si God, na-store ‘yung relationship ng Daddy ko sa amin. Kasi si Daddy ko mas madalas sa labas siya noon eh. Nagwo-work lang siya lagi. Uuwi lang ‘yan para kumain o mag-hi pero lagi siyang busy. Pero simula noon, he makes time for us. Simula nang nakilala niya si God, naintindihan niya kung ano talaga ang role ng isang Daddy. ‘Yun talagang naging conscious siya, lagi na siyang nanonood ng games ko.”

Naikuwento rin niya na tanggap nila ang pagkakaroon ng mga kapatid sa labas. Lima sila sa original at tatlo sa labas pero maganda ang relasyon nilang lahat.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …