Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hunk actor, isinusumpa ng mga katrabaho dahil sa kakuriputan

SUKDULAN pala ang pagkaimbiyerna ng mga namasukan sa sikat na hunk actor na ito dahil sa kawalan ng malasakit sa kanyang mga pasuweldo.

“Saan ka naman nakakita na magpapabili ang kumag na ‘yon ng merienda sa driver niya, pero para sa kanya lang ‘yon. Maano ba namang idamay na rin niya ‘yung inutusan niya, ‘no! Eh, sige nga, siya ‘tong magmaneho buong maghapon! Siyempre, nagugutom din naman ‘yung tauhan niya, anong gusto niyang mangyari, mag-diet din ‘yung tao?” himutok ng kausap naming bistado ang karakas ng aktor.

Hirit pa niya, “At may ugali pa ‘yang hinayupak na kuripot na aktor na ‘yan, ha? Halimbawa sa set, magkakantiyawan ang mga kasamahan niya, ‘O, pabili naman tayo ng pizza. Ambag-ambag tayo, ha?’ ‘Day, ‘yung hunk actor na ‘yon, nagtutulog-tulugan! Siyempre, hindi na nga naman siya hihingan ng share niya. Eto na, dumadating ang delivery boy ng pizza, ang aktor, biglang babangon, gegetlak ng slice ng pizza!”

Da who ang hunk actor na hindi lang isinusumpa ng mga nagtrabaho sa kanya kundi ng mga katrabaho rin niya sa sobrang kakunatan? Itago na lang natin siya sa alyas na Demitri Campo Santo.

(Ronnie carrasco)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …