KAILAN pa nga ba namin huling napanood si Paulo Avelino sa isang serye? Pero nang magbalik siya, matindi talagang project. Hindi natin maikakaila na sa kanyang character na ginampanan umiikot ang istorya niyang The Promise of Forever, na mapapanood na natin simula sa Lunes.
Ang character niya ay may kahalong fantasy, wala siyang kamatayan, at nabubuhay sa iba’t ibang katauhan sa iba’t ibang lugar. Kung titingnang mabuti, hindi lamang iyan makapagbibigay ng boost sa kanyang career bilang actor dito sa ating bansa. Maliwanag naman na kaya ginawa nila sa Europe ang taping ng seryeng iyan, at kaya tinapos muna nila ang buong serye bago nila ipalabas ay dahil kasabay niyan, may balak na silang ilabas iyan sa mga cable channel sa abroad. Kung mapapansin din ninyo, bukod kay Paolo, pinili nilang artista sina Ritz Azul at Ejay Falcon, na ang hitsura ay masasabing katanggap-tanggap sa mga European. Hindi pa nila sinasabi iyan ngayon pero hindi maikakaila na ang idea nila ay madala ang seryeng iyan sa European market. Kagaya rin ng ginagawa natin dito sa mg Koreanobela na isinasalin natin sa Filipino, maaari ring isalin iyang The Promise of Foreversa anumang European language.
Base sa nakita naming trailer ng serye, hindi nila maikakaila na naroroon ang idea na iyan dahil sa foreign market. Iyon din ang dahilan kung bakit nila pinagkagastahan iyan ng napakalaking puhunan, kasi gusto nilang world class at confident sila na mababawi nila ang malaking puhunang iyon, after all mailalabas nga nila iyan sa abroad. Kung local market lang ang target, titipirin nila ang seryeng iyan. Pero makikita mo sa serye ang isang mas malaking plano.
Sana nga mapasok nila iyang foreign market na iyan. Magagaling naman ang mga artistang Filipino. Iyong pananalo ng mga artistang Filipino sa mga festival abroad, ay nagpapatunay na tanggap nga ang mga artistang Filipino maging sa abroad. Ang kailangan nga lamang ay mabigyan sila ng break para sila makapasok sa market na iyon. Sana nga magawa iyan ng The Promise of Forever.
Ate Vi, tumuloy pa rin
sa natanguang commitment
kahit inatake ng ulcer
NOONG marinig namin noong isang gabi na inatake nga ng kanyang ulcer si Ate Vi (Vilma Santos) the day before at wala siyang tulog noong sinundang gabi, nasabi na rin namin kung hindi niya kaya ay huwag na siyang tumuloy, after all maipaliliwanag naman iyan. Kung gusto pa nila eh ‘di bigyan sila ng medical certificate ng attending physician. Pero dahil sa nauna niyang commitment at ayaw din naman niyang ma-disappoint ang kanyang fans na naghihintay sa kanya roon, pinilit pa rin niyang magpunta sa event na iyon.
Pero iyong mga walang alam sa nangyayari, dahil hindi naman tipo ni Ate Vi iyong magrereklamong may sakit siya sa ibang tao, ang sinasabi mukhang may sakit si Ate Vi. Totoo, eh may sakit naman talaga siya noong araw na iyon eh. Nagpilit nga lang na magpunta dahil sa commitment.
Maski nga iyong mga Vilmanian, noong malaman nila pagkatapos na may sakit pala si Ate Vi, nagsisisihan pa sila kung bakit pa nila inabala iyon at hindi hinayaang makauwi agad. Sila rin ay nagsasabi na ganoon pala, sana sinabi na lang ni Ate Vi at nagpahinga na lang siya.
Kung hindi naman siya nagpunta, ano kaya ang sasabihin ng mga toxic people sa kanya?
HATAWAN
ni Ed de Leon