Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Female singer, pinagtataguan ng mga nail salon staff dahil sa kakuriputan

TABLADO pala sa mga tauhan ng isang nail salon ang mahusay na female singerna ito, at bakit?

Home service ang kadalasang request ng singer. Siyempre, kapag sa bahay nga naman siya pupuntahan ay natural lang na mag-unahan ang mga trabahante ng salon sa pag-asang tiba-tiba sila sa ibibigay na tip.

Pero sadya yatang ipinaglihi sa makunat na bukayo ang hitad, malaki na kasi ang P20 na tip na iginigibsung niya. Ang ending, wala nang gustong mag-home service sa kanya. Patunay ang kuwentong ito sa tuwing tatawag siya sa nail salon, ”Hi, nandiyan ba si Anna?” kunwari’y ‘yun ang pangalan ng staff. Ang sasabihin naman ng nakasagot ng phone ay wala.

“Eh, si Mayette? Ah, wala rin siya. How about Sheila? Oh, she’s not around, too. Eh, si Leila?” sunod-sunod na tanong ng singer kung naroon ang mga taong hinahanap niya.

Ang totoo’y present naman ang lahat ng ‘yon, kaso nagbilin na pala ang mga ito na kung tatawag ang singer ay wala sila.

Da who ang female singer na pinagtataguan ng mga nail salon staff dahil sa kanyang kakuriputan? Itago na lang natin siya sa alyas na Althea Mallonga.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …