Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katrina, malaki ang utang na loob kay Sabrina M.

MAAARING sa paglabas ng kolum na ito’y tapos na ang Mrs. Philippines VOAA (Voice Of An Angel) na ang kinatawan natin sa kauna-unahang taon nito sa Fukuoka, Japan ay si Katrina Paula.

Suot ang korona with matching sash, bumisita si Kat sa programang Cristy Ferminute kamakailan. Bagamat nadagdagan ang kanyang timbang, sexy pa rin ang hitad sa kanyang puting pang-itaas na bustier na kita ang malulusog niyang dibdib na animo’y puwet ng batang nakatalikod. Walang local pageant na idinaos muna rito bago nagkapilian to be the country’s representative. Malaking puntos ang mga charitable works ni Katrina para siya ang lumaban against 39 other married women from all over the world.

Dating Japayuki si Kat, malaking advantage ito dahil kuha na niya ang kiliti ng mga Hapon as an audience. Pero kaiba sa mga timpalak na alam natin, naka-evening gown lang ang mga kandidata roon pero may intro speech at Q & A portion.

‘Yun ang pag-iigihan ng hitad na kung papalaring makapag-uwi ng korona’y iniaalay niya ‘yon, ”Sa mama ko, sa kanya ko ipuputong ang korona.”

Sa mga hindi nakaaalam, isa sa mga anak ni Katrina ay lady pilot. Kumbaga, maayos niyang napalaki ang kanyang mga anak.

Samantala, aminado si Kat na gradweyt na siya sa showbiz, pero habambuhay niyang tatanawing malaking utang na loob ang tulong at suportang ipinagkaloob sa kanya ng dati ring sexy star pero nakakulong na si Sabrina M.

“Kung walang Sabrina M, walang Katrina Paula. Kaso, hindi ko siya nadadalaw sa preso kasi ‘di ba, baka isipin ng ibang tao na porke’t drugs ‘yung case niya, eh, involved din ako sa ganoon.”

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …