Friday , November 22 2024

Goal ni Jake Zyrus: I wanted to see me as a person I wanna be, ibang tao na; problema nilang mag-ina, maaayos din

SOBRANG excited si Jake Zyrus sa nalalapit niyang concert, ang I Am Jake Zyrus sa October 6, 8:00 p.m. sa Music Museum handog ng Echo Jham Entertainment Production at The Mad Union Entertainment Production.

“Ëxcited talaga ako, masaya, dahil makakakonek ako sa audience dahil maipakikita ko sa kanila ang totoong ako,” panimula ni Jake sa presscon na isinagawa kahapon sa Mango Tree Bistro, Trinoma, Quezon City.

Ani Jake, pinakamasaya siya na makakapag-perform siya sa lahat na parang first time niyang gagawin. “First time with feeling at makakakonek na talaga ako sa audience na tipong this time makakatingin ako sa kanila ng eye to eye, maipapakita ko sa kanila yung totoong ako na. ‘Yung sincerity, confidence na hindi ko naramdaman noon, ‘yun ang napi-feel ko habang papalapit na ang araw ng concert. Sobrang excited ako na ipakita lahat sa kanila.

Sa paglalarawan ni Jake sa itatakbo ng kanyang concert, sinabi nitong hindi siya namimili ng genre. “Ayoko na sabihin na kailangan pop o R& B. Ang idea ng ng concert is to showcase ‘yung mga ibang bagay na hindi ko mailabas before, ‘yun mga song na hindi ko makanta before na excited akong iparinig sa kanila.”

Anito para siyang baguhang singer na ipakikilala pa lang. “Ayokong i-pressure ang sarili ko na mag-over expect ang tao. Ang goal ko sa concert na ito ay mai-share lang ang mga music na pinakikinggan niya, pangarap na mai-perform na maipe-perform ko na ngayon, mga bagay na nagagawa ko na ngayon. ‘Yung maiparamdam ko sa kanila na kung gaano kaimportante ang concert na ito at mga piniling kanta para sa kanila.”

Kasabay ng pagbabago ng kasarian ni Jake ang pagbabago ng boses, kaya natanong ito kung anong klaseng mga kanta ang iparirinig niya. Aniya, “It doesn’t matter kung ano mapili ko. Something different na hindi pa nila naririnig. Kasi ang idea ng concert ay different songs na may different arrangement. Hindi siya ‘yung kung ano ang usual tono ng kanta eh ‘yun din ang tonong maririnig nila sa akin. Definitely, maiiba.”

Dagdag pa ng singer na napakaganda ng team na bumubuo ng kanyang konsiyerto. “Ang concert na ito is not to impress someone, sobrang maganda lang ang production na bumubuo nito. I want everyone to see it talaga.”

Ukol naman sa mga negatibong feedback sa kanya, ayaw na niyang pagtuunan ng pansin iyon at hindi siya naaapektuhan dahil na rin sa magagandang nangyayari sa kanya. “Hindi na nagma-matter iyon kasi rito ako masaya,” giit nito.

At dahil nagpapakilala muli si Charice Pempengco bilang Jake Zyrus, sino nga ba si Jake at ano at ipinagkaiba at pagkapareho nito sa dating katauhan niya? “Sa totoo lang po hindi na mai-compare. Ibang tao na siya. Iba ýung achievements niya, iba ‘yung narating niya. And parang iyon din ang goal ko sa buhay when people see me as Jake, I wanted to see me as a person I wanna be. Ibang tao na. I’m different to anybody else.

“Sa totoo lang, gusto kong sabihin sa tao na I am Jake, I’m a simple guy, a singer. Wala akong maipagyayabang. I know there are so many talents that is better than me. Ang maipagmamalaki ko lang is I know I word hard for what I want, determined ako na to show my music to everyone.”

Ukol naman sa bago niyang karelasyon, sinabi nitong okey na sa kanya na alam ng marami ang ukol sa kanila. Okey na ýung alam ng tao na yes I’m with someone. Pero hindi namin goal na ipu-push pa namin sa public na ganito, ganoon. Okey na sa amin ýung I have someone in my life. Pero ýung details about it mas gusto namin ýung may thrill na kami lang ang nakaaalam.”

Makakasama ni Jake sa kanyang konsiyerto ay ang matagal na niyang kaibigan at musical director na si Troy Laureta, isang Filipino-American musician at record producer na hindi matatawaran ang galing dahil nakatrabaho na niya ang mga tulad nina Ariana Grande, Deborah Cox, Iyaz, Iggy Azalea, Rita Ora, David Foster, Stevie Wonder, at iba pa.

Special guest naman niya sina Klarisse de Guzman, Young JV, at KZ Tandingan. Ang ticket ay mabibili sa halagang P4,000 (na may kasamang meet & greet at signed poster); P3,200; P2,500; P1,800; at P1,000. Itoý mabibili sa Music Museum (7216276), Ticketworld (8919999), at SM Tickets (470-2222).

Samantala, nilinaw naman ni Jake ang ukol sa pagtanggi niya sa MMK episode ukol sa grand parents. Aniya, walang offer na dumarating sa kanya.

Ukol naman sa may ibang version ang kanyang inang si Raquel sa kanilang istorya na ipalalabas din sa MMK, nangiti ito at sinabing, “Ako naman wala naman akong sagot doon siyempre, mommy ko ýan at alam naman niya na mahal ko siya at ang intensiyon ko naman doon sa ‘MMK’ ko is simply to inspire others para makita naman nila na hindi sila nag-iisa, normal na may ganoong sitwasyon. It’s not to look bad, to hurt. Para lang ma-share ko ýung story ko ‘yung pinagdaanan ko.”

Sa huli iginiit ni Jake na maaayos din ang kung anumang mayroon sila ngayon ng kanyang ina dahil mahal niya ito.

SHARON AT ROBIN,
MULING MAGSASAMA
SA PELIKULA

KASABAY ng kompirmasyong may pinagdaraanan, sinabi rin ni Sharon Cuneta sa presscon ng pelikula niyang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha na ini-release ng Star Cinema at mapapanood na sa Setyembre 6 na magsasama sila ni Robin Padilla sa isang pelikula.

SHARON & ROBIN Coming back to you on the big screen in NOVEMBER 2017!!!

A post shared by Sharon (@reallysharoncuneta) on

Aniya, sisimulan na nila ang shooting ng pelikula this month. “Mas masaya ‘yung movie na lalabas kasi iba ang rapport namin ni Robin. It’s a new story, totally new story. Dapat bagay kay Robin at sa akin. This is a romance-comedy,” paliwanag ng aktres ukol sa hindi nila natuloy na proyekto ni Gabby Concepcion.

“I cannot wait because Robin is really my favorite person to work with. He’s like my twin; ganyan ang tawagan namin, kambal. We are very much alike. My happiest shooting experiences have always been with Robin,” giit pa ng Megastar at sinabing si Direk Cathy Garcia-Molina ang magdidirehe ng kanilang pelikula. Nagsama sina Sharon at Robin sa mga pelikulang Maging Sino Ka Man, ‘Di Na Natuto, at Pagdating ng Panahon.

Ukol naman sa Ang Pamilyang Hindi Lumuluha, umaasa si Sharon na mas marami pa ang makakapanood ng kanilang pelikula na pinagbibidahan din nina Moi Bien, Nino Muhlach, Kiko Matos, at iba pa na idinirehe ni Mes de Guzman. Si De Guzman ang direktopr ng Ang Daan Patungong Kalimugtong, Ang Kwento ni Mabuti, at ang Diablo.

PAGIGING PRANGKA
AT STRAIGHTFORWARD
NI EDWARD,
FEEL NI MAYMAY

NAPAKA-SUWERTE ng tambalang Maymay Entrata at Edward Barber dahil simula nang lumabas sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 ay agad silang nabigyan ng pelikula ng Star Cinema na sila ang magbibida. Ito ay ang Loving In Tandem, isang romantic-comedy na ipalalabas na sa Setyembre 13.

Makakasama ng MayWard ang isa ring tinitiliang loveteam nina Kisses Delavin at Marco Gallo. Ang pelikula ay mula sa direksiyon ni Giselle Andres.

Ang Loving In Tandem ay isang heartwarming story na puno ng saya at heartwarming moments na tiyak maiibigan ng buong pamilya. Sa presscon noong Linggo, natanong ang MayWard kung ano-ano nga ba ang nagustuhan nila sa isa’t isa?

Naunang magbigay ng sagot si Maymay at sinabi nitong, “Hindi nawawala ang pagka-caring ni Edward at ang pagiging supportive niya at dahil pareho kaming nahihirapan dahil parehong baguhan, talagang parati naming inire-remind (sa mga sarili) ýung sinasabi ni direk na hindi porke’t baguhan kami, hindi na namin pwedeng ibigay ang best namin. Hanggang nariyan ang opportunity ibigay namin ang lahat. Lagi rin niyang inire-remind sa akin iyon ganoon din ako sa kanya.

“Nagustuhan ko rin sa kanya na sinasabayan niya ang kabaliwan ko,” tsika pa ng dalaga patungkol kay Edward na almost one year na silang nagkakatrabaho.

Kung may nabago man sa kanila, sinabi ng dalaga na mas nakilala pa niya ang batang actor.

“Ïsa pa sa nagustuhan ko sa kanya ay nag-o-open-up kami sa isa’t isa.”

Idinagdag pa ni Maymay na kung may hindi sila nagustuhan sa isa’t isa ay sinasabi nila agad-agad.

Nagustuhan din ni Maymay ang pagiging prangka at straight forward ni Edward.

“Her energy levels is a lot higher. He keeps me positive lalo na kapag napapagod na kami sa shooting,” sambit naman ni Edward.

“She also knows how to annoy me same with my sister,” dagdag pa ng binata.

Nang tanungin naman kung anong bagay ang inayawan niya sa dalaga ay wala namang nasabi ang aktor. Iginiit nitong napaka-positibo ni Maymay.

Tampok din sa Loving in Tandem sina Ryan Bang, Thou Reyes, Ketchup Eusebio, Cacai Bautista, Dymon ‘Onyok’ Pineda, at Ms. Carmi Martin.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *