Friday , May 3 2024

Sharon, aminadong may pinagdaraanan

HINDI natuloy ang guesting ni Sharon Cuneta kahapon sa It’s Showtime dahil masama ang pakiramdam. Kaya naman sa presscon din kahapon ng hapon para sa kanyang pelikulang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha, isa sa entry sa katatapos naCinemalaya at ngayo’y ire-release ng Star Cinema, naantala ang dapat sana’y 1:00 p.m. na oras ng presscon.

Ayon kay Sharon, nahirapan siyang tumayo at hindi indain ang sakit pero dahil nahihiya siya sa entertainment press ay pinilit niyang makapunta sa presscon.

Kita naman sa aura ng aktres na medyo lulugo-lugo nga ito kaya naman natanong siya kung bakit tila medyo hindi siya jolly kahapon hindi tulad na energetic ito at masayahing ito. Nabigyan tuloy iyon ng kahulugan at kung ilang beses natanong sa presscon.

Ayon kay Sharon, masama ang kanyang katawan. Noong Linggo pa nga hindi maganda ang pakiramdam niya. At kahapon, hindi siya nakasipot sa It’s Showtimedahil hindi talaga kaya ng katawan niya. Pinilit lamang niyang tumayo dahil nahihiya siya sa naka-schedule na ang presscon para sa pelikula niya na ipalalabas na sa September 6. Sa ikalawang beses na natanong ang aktres, kung may problema o pinagdaraanan ito, nagsalita na ito ng,”Hindi ba sometimes you have to work kahit may problem ka. Ke personal ‘yan o ke ano,” panimula nito.

“I mean whatever it is. Ke may nagbibigay sa iyo ng sakit ng ulo, ke anak ‘yan, ke kamag-anak ‘yan. You know parang it’s just one of those things, one of those days, nagkakataon kung kailan kailangan maraming gagawin eh, nao-overwhelm ako. ‘Yung puso ko parang may sarili nang opinion.

“Kapag may maraming pinagdarananan, lagi namangng, andyan si Lord helping me.”

Inamin pa ng aktres na,”May mga pinagdaraanan lang.

“All of us naman may experience that. May mga bagay na personal masyado na can’t really talk about. Pero aside from that, overwhelming din ‘yung ganyan, nag-iipon na lang ng tulog. Because of my shooting sa bagong ginagawa ko sa Star Cinema, ‘yun ang excited ako, nilu-look forward ko,” sabi pa ni Sharon. Ang tinutukoy ng Megastar ay ang pagsasamahan nilang pelikula ni Robin Padilla under Star Cinema. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Daniel dinedma ni Kathryn, fans nalungkot

MATABILni John Fontanilla WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Sarah Lahbati Zion Gutierrez

Sarah madamdamin ang pagbati sa kaarawan ng anak

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN ang pagbati ng aktres na si Sarah Lahbati na idinaan sa social media …

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *