Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wishcovery Singing Competition ng Wish 107.5, inilunsad

KAMAKAILAN ay ipinakilala ng Wish 107.5 ang theWishful20 na nakapasok sa kanilang Wishcovery Online Singing Competition na magbubukas sa digital space na magaganap sa Setyembre. Kasabay nito ay ang paglulunsad ng online singing competion na dinaluhan nina Mr. Bong Etorma, VP for Radio, BMPI; Mr. Jay Eusebio, VP for Marketing, BMPI, Teacher Annie Quintos, WISHcovery, Resident Reactor, at Mr. Jungee Marcelo, WISHcovery, Resident Reactor.

Mr. Bong Etorma, VP for Radio, BMPI; Mr. Jay Eusebio, VP for Marketing, BMPI, Teacher Annie Quintos, WISHcovery, Resident Reactor, at Mr. Jungee Marcelo, WISHcovery, Resident Reactor.

The wishful20

Layunin ng Wishcovery na makadiskubre ng magagaling na Filipino Singing Talent na makaka-break sa global music arena. Ang Wish 107.5 ay ang gateway to the world na sumusuporta sa OPM simula pa nang mag-operate ito three years ago. Ang Wish 107.5 ay nagtungo pa sa iba’t ibang parte ng Pilipinas para makahanap ng mga talented singer. Libo-libo ang nag-audition sa mga lugar na pinuntahan nila. Kasabay nito ay ang on-line search na marami rin ang nagsumite. At pagkaraan ng tatlong buwan, 20 singer ang maingat na pinili para maiangat sa “Live Competition” na tinawag nga nilang TheWishful20.

Ang Wishcovery Online Singing Competition ay iho-host ng Philippines Prince of R&B na si Kris Lawrence. Tutulungan si Kris ng mga tinatawag na Reactors (judges) na binubuo nina singer-songwriter-hit maker Jungee Marcelo, Teacher Annie Quintos ng The CompanY, at ang King of Philippines’ R&B na si Jay-R.

Ang lahat ng Wishful performances ay magaganap sa loob ng nag-iisang Wish Bus. Kapareho rin ito ng mga favorite Wishclusives performances na nangyayari sa bus, kaya ang mga performance na ito ay kapare ng audio at video quality.

Mapanonood ito sa YouTube bilang part ng criteria sa pagdya-judge.

Ang Season 1 ng Wishcovery ay nakalaan sa Original Pilipino Music (OPM) na ang lahat ng kakantahin ng mga Wishful ay local sings, na siyang Wish’s advocacy na dalhin at iangat ang Filipino talent at music sa ibang bansa.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …