Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia Barretto, mas pinili si Joshua kaysa kay Ronnie

NALAGAY sa hot seat ang aktres at isa sa bida ng A Love To Last na si Julia Barretto kahapon sa finale press conference ukol sa kung sino kina Ronnie Alonte, kapareha niya sa A Love To Last at Joshua Garcia, leading man niya sa Love You To The Stars And Back ang pipiliin niya?

Anang dalaga, “I’m going to pick Joshua because Ronnie has a different love to last.”

Ang tinutukoy ni Julia na love to last ni Ronnie ay ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Loisa Andalio.

Samantala, inaanyayahan ng cast ng teleserye sa pangunguna nina Ian Veneracion at Bea Alonzo ang publiko para makisaya sa kanilang Love Goals: A Love To Last Concert na gaganapin sa Setyembre 8 sa Kia Theater, 8:00 p.m.. Para sa tickets, maaaring bumili online sa www.ticketnet.com.ph o tumawag sa hotline na 911-5555. Sa kabilang banda, nalalapit na ang pagtatapos ng A Love To Last na mayroon na lamang limang linggong eere. Sinusubok na ang tambalang minahal ng bayan sa pagdagsa ng matitinding pagsubok sa kanilang relasyon at pamilya.

Namumulat na si Andeng sa katotohanang ang pag-ibig ay hindi parang fairytale na inakala niya, ito pala ay puno ng hirap at hamon.

Nananatili namang matatag si Andeng at labis na kumapit sa pagmamahalan nila ni Anton.

Pakatutukan gabi-gabi ang A Love To Last ng ABS-CBN. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …