BAGO inumpisahan ni Coco Martin ang paggawa o shooting ng Ang Panday na handog ng CCM Creative Productions Inc. at isa sa entry sa Metro Manila Film Festival, inayos muna niya ang lahat.
Una niyang inayos ang shooting ng Ang Panday na hindi makasasagabal sa kasalukuyan niyang teleserye, ang FPJ’s Ang Probinsyano. Sumunod na ang istorya, na isa rin ang actor sa nagsulat at nakipagtulungan kay Joel Mercado, location, mga artistang magsisiganap, at iba pa.
“Inayos ko po muna ang lahat. Nag-location hunting na rin ako, ang script tinapos na namin buong-buo na. Pinanood ko ang lahat ng Panday kaya kinokorek ko ang script namin, kailangan alam ko ang history niyon para walang mali sa kuwento,” anang actor nang makatsikahan namin.
Sinabi pa ni Coco na matagal niyang pinaghandaan ang Ang Panday. “Unang yugto ko ito bilang director kaya binubusisi at pinag-igihan kong mabuti,” sambit pa ng Primetime King.
Anang actor, may mga bago siyang ipinasok sa Ang Panday. ”Si Direk Carlo (Caparas) very open siya, gusto niya updated. Nagco-collaborate kami at nakatutuwang very supportive siya.
“Sa totoo lang ang dami akong natutuhan, master talaga siya. Natutuhan ko ang pagbuo ng character, ‘yung kung paano magpasok ng mga bagong character na ‘yung interes ng tao hindi nawawala para magkaroon ng bagong timpla.
“Kaya kung mapapansin ninyo makabagong timpla siya, makabago siya. Hindi ko ginampanan ang dating Panday, sinundan ko, dinugtungan ko,” paliwanag pa ni Coco ukol sa ginagawa niyang pelikula.
Hindi naman itinago ni Coco na malaki ang inilaan nilang budget para sa Ang Panday. ”Malaki ang gagastusin dahil may effects at gagawin namin ito para sa pamilyang Filipino para mapasaya namin sila ngayong darating na Kapaskuhan.
“Tumataas din ang panlasa ng manonood natin. May kalabang Hollywood movies. Hindi tayo dapat nagpapaiwan sa mga ganoong bagay, in terms of effects kailangang paghandaan, story telling. At sabi ko nga, kauna-unahang pagdidirehe ko ito kaya gusot ko talagang ayusin na balang araw sana maipagmalaki ko sa magiging anak ko.”
Kaya naman hindi itinago ni Coco na talagang humingi rin siya ng tulong sa mga nakatrabaho na niya at kaibigang director tulad nina Direk Malu Sevilla at Direk Dante Mendoza.
“Kailangan ko ng tulong nila. Ayaw ko namang gawin ito na parang alam ko na lahat, siyempre kailangan ko pa rin ng tulong nila.
“At bilang first time director, ‘yun ang gusto kong puntahan at ‘yung nararamdaman ko gusto ko nang ilabas at feeling ko naman ito na ang tamang oras kaya naglakas loob na ako kaya ako na ang nag-produce kung ano’t anuman ang mangyari wala akong sisisihin. At lahat ng nakatrabaho ko very supportive kahit lahat ng mga director ko sa indie at mainstream.”
At ang ginamit ni Rodel Nacianceno (totoong pangalan ni Coco na siyang gagamitin bilang director) sa kanyang pagdidirehe ng Ang Panday,”Puso ang ipinaiiral ko ngayon, ‘yung gutfeel.”
At sa tanong kung bakit Ang Panday ang ginawa niya? ”Gusto kong ipakita kung sino si Fernando Poe Jr., at kung ano ang mga nilikha niyang pelikula.”
MEGASOFT, IPINAGBUNYI
ANG PAGIGING
CUM LAUDE NI MYRTLE
TAMANG-TAMA ang ginawang paglilibot ni Myrtle Sarrosa sa mga iba’t ibang eskuwelahan para magbigay ng recognition sa mga outstanding students at magsalita ukol sa menstrual hygiene management awareness sa kanyang pagtatapos bilang cum laude sa UP sa kursong Broadcast Communication.
Kasabay din nito ang pagre-renew ng Megasoft ang kontrata nila kay Myrtle para sa Sisters Sanitary Napkin. At buong pagmamalaking inilahad ni Megasoft VP for Marketing na si Aileen Choi-Go ang accomplishment na iyon ni Myrtle. Laging nasa likod ni Mytle ang Megasoft sa anumang pangarap ng aktres.
Kaya naman malaki rin ang pasasalamat ni Myrtle sa Megasoft. ”I’m very thankful to my big sis, Ms. Aileen, for believing in me, her love, encouraging words and support. Her hardwork and passion are contagious. She never rests from coming up with new ways and products to better the lives of the Filipino family.”
Sagot naman ni Ms. Go, ”I’m just so happy for my little sis. She is a dreamer, she is a fighter. Nothing is given to her easily. She knows that she needs to work hard for things to happen for her. And I think these are what achievers are med of She is being showered with all the blessings she deserves. Congratulations and we are so proud of you.”
Kaugnay nito, tutungo ng Cebu si Myrtle sa Sept. 16 at pupuntahan niya roon ang Megasoft warehouse na nasa Mandaue City. Tutungo rin siya sa Gaisano Grand Dumanjug Activity Center para sa isang meet and greet (4:00 p.m.), at sa Gaisano Grand Moalboal Activity Center mall show (6:00 p.m.). Makakasama niya rito si Kristof Garcia, Cherub endorser.
Sa Sept. 26 naman ay nasa Puerto Prinsesa City, Palawan sina Kristof at The CTGuyz at sa Isetan Recto, Manila sa Sept. 29, 3:00 p.m..
KAUNA-UNAHANG
MR & MRS. BPO
SEARCH, INILUNSAD
Ms. & Mr. BPO Mentors — Jun Macasaet, Jonathan Yabut, Jennifer Hammond, Ruby Manalac at Mauro Lumba
ISA na namang bagong beauty contest ang matutunghayan ng Pilipinas na hindi lamang pagandahan ang labanan kundi pati patalinuhan at galing sa diskarte, ito ang Mr. & Ms. BPO na inilunsad kamakailan ng Royale Chimes Concert & Events, Inc..
Alam naman natin kung gaano kahilig at ka-supportive ang Pinoy pagdating sa beauty pageants. Kaya tiyak na isa ang Mr. & Ms. BPO sa tatangkilikin ng madla bilang pagbibigay-halaga na rin sa isa sa pinakamaunlad na industriya ng bansa, ang BPO o Business Process Outsourcing community.
Ayon sa Royal Chimes, ang timpalak na ito ay isang paraan ng BPO para lalo pang mapalawig ang BPO community na sinimulang itayo ang kauna-unahang contact center noong 1992. At sa dalawang dekada kinilala na ang Pilipinas bilang BPO capital of the world. Layunin din ngMr. & Ms. BPO na i-promote ang excellence, leadership, at camaraderie na ilan lang sa mga katangian na makikita sa BPO workplace.
Dagdag pa ng Royal Chimes, ito ang pinakabagong beauty pageant with a cause and with a twist.
Bale ang tatanghaling Mr. & Ms. BPO ang magiging ambassadors ng mga tinatawag na ring bagong bayani ng bayan.
Sa Mr. & Ms. BPO, mayroong mentor na siyang pipili para makasama sa grand final. Sila ang magte-train sa mga candidate mula sa tamang posture, paglalakad, pagrampa, pagdadamit, at pagsagot sa mga tanong under pressure.
At kabilang sa mga mentor na ipinakilala noong presscon ay sina Jennifer Hammond, Binibining Pilipinas Intercontinental 2016; Jonathan Yabut, The Apprentice Asia winner; Jun Macasaet, Manhunt International 2012; Ruby Manalac, Emotional Intelligence expert; at Mauro Lumba, 2014 Century Tuna Superbods 2014 at fitness enthusiast.
Para sa mga interesadong BPO agents, tumatanggap na ng mga applicant ang Mr. & Ms. BPO organizers, kailangan lamang na ikaw ay 18 hanggang 26 years old, single, Filipino citizen o may dugong Pinoy, at least 5’43 ang tangkad para sa mga babae at 5’63 naman para sa mga lalaki. Kailangan ding may maganda at fit na katawan, pleasing personality at good moral character. At siyempre kailangang ikaw ay regular employee ng ng isang BPO company at residente ng Pilipinas.
Para mag-register at makasali, bisitahin ang (website) www.mrandmsbpo.com at i-download ang application form. Para sa iba pang detalye magtungo lang sa social media accounts ng Mr. & Ms. BPO: Facebook page (MrandMsBPOofficial) Instagram (mrandmsbpoofficial), at Twitter (@MrandMsBPO). For inquiries tumawag sa hotline sa 0977-3846984.
Gaganapin ang Mr. & Ms. BPO coronation night sa Nobyembre 21 sa Mall of Asia Arena.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio