Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Billy Crawford sa pagho-host ng LBS — It’s not a competition sa host, ang big star dito ay ang mga kabataan

TUNAY ang tinuran ni Tito Nestor Cuartero, editor ng Tempo kay Billy Crawford matapos maipakita ang unang episode na ipalalabas sa Sabado, ang Little Big Shots sa ABS-CBN na rebelasyon ito sa pakikipag-usap sa mga batang itinatampok nila na ang mga edad ay 2 hanggang 12.

Bukod kasi sa batang kakaiba ang galing na ipinakita nila, mahusay na naka-relate si Billy sa mga bata siguroý dahil nga sa dati ring child actor si Billy.

Very educational, inspiring, entertaining, challenging, magnificent, surprising, very shocking, ang LBS na talaga namang bagay na bagay kay Billy.

“Hindi ko po inisip na makukuha ko ang show,” panimula ni Billy ukol sa bagong show na iho-host niya. “I just found out the show recently lang. Nabalitaan ko from the States kay Steve Harvey.

“Hindi ko rin po alam kung bakit napunta sa akin. But the best thing to say is, I’m really thankful. It’s not a competition sa host, hindi ang host ang pinaka-importante, ang pangalan po given na po kaya ang big star natin dito ay ang mga kabataan.”

Iginiit pa ni Billy na, “It’s a challenging role for me to play kasi I would expect like Steve Harvey, mga parents na sila, para sa akin ninerbiyos ako dahil wala pa akong anak pero mahilig ako sa mga bata, mahilig akong makipaglaro sa bata. I guess talagang bigay na ni Lord ito sa akin. I couldn’t ask for more.”

Ipinaliwanag naman ng business unit head na si Louie Andrada kung paano napunta ang hosting job kay Billy. “Ang totoo po niyan nagpa-audition kami para sa host, this is the first time na makakatrabaho namin ang warner. Sila ang may final say kung sino ang magho-host, we sent them the videos tapos sila po ang nag-decide, and sabi po nila Billy has the best chemistry with the kids.”

Iginiit pa ni Billy na hindi niya ine-expect na mapupunta sa kanya ang pagho-host sa LBS.

Kaya panoorin na lang ninyo ang LBS para mag-enjoy din kayo at para makita rin ninyo kung paano nakipagkuwentuhan o nakipagkulitan sa kanila ang international star na si Billy sa kanilang pagbabahagi ng kanilang kuwento sa Sabado at Linggo, Agosto 12 at 13.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …