Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Newbie actor na si Kevin Poblacion, pasado ang acting sa indie film na Adik

NAGPAKITANG gilas ang newbie actor na si Kevin Poblacion sa kanyang effective na performance sa pelikulang Adik. Biggest break ni Kevin ang pelikulang ito ng BJP Film Production at mula sa pamamahala ni Direk Neal Tan. Bida rito si Kevin na gumaganap bilang isang teenager na nalulong sa droga at na-involve sa mga krimen.

Si Kevin ay ipinanganak sa Winnipeg, Manitoba, Canada. Graduate siya ng Tourism and Flight Attendant Course sa Canadian Tourism College sa Vancouver, British Columbia Canada. Ang mga magulang niya ay sina Bernardo Poblacion at Jean Lopez Poblacion.

Sumailalim sa acting workshop at paghahasa sa pagsasalita ng Tagalog si Kevin para paghandaan ang indie film na Adik. Upang matupad ang pangarap na makapag-artista, nag-enrol siya ng acting workshop kay Direk Ryan Carlos ng Star Magic sa ABS-CBN. Nakuha niya ang certification of completion noong 2015 at nag-enrol na naman sa isang advanced acting workshop sa ABS-CBN sa loob ng anim na buwan.

Ikinuwento ni Kevin kung paano niya pinaghandaan ang papel sa pelikulang ito. ”My extended family are from Iloilo and they live in a very poor parang sa mga bukid, ganoon and I know some family friends that are… they’re in bad stages of their lives and they turned into drugs because that’s all they know. It feels good to them and it’s an escape.

“So, I just observed them like the withdrawals from drugs and the effect to the family,” saad ng 22 year old na actor.

Ayon sa binata, nanood siya ng documentaries ukol sa drug addiction bago niya sinimulan ang paggawa ng pelikula. “The movie make me realize so many things in life. Hopefully we can show it in school around the country and probably internationally,” wika ni Kevin.

Very proud ang mga magulang ni Kevin sa kanyang narating kaya naman sila na mismo ang nagprodyus ng advocacy film na ito. “We are very proud of our son Kevin dahil natupad niya ‘yong pangarap niya na maging isang actor sa Filipinas. Kahit being a Canadian, siya ay Pusong Pinoy at gusto niyang ipakita ang kanyang talento sa pag-act,” saad ni Ms. Jean.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …