Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kylie, may career pang babalikan

NGAYONG nakapanganak na siya, may babalikan pa nga kayang career si Kylie Padilla?

Siguro naman ay may career pa nga siyang babalikan dahil mahusay naman siyang umarte, at malakas din naman ang kanyang following on her own. Hindi na masasabing pinanonood lang siya dahil sa fans ng tatay niya. May following na siya. Talagang angat na siya eh, naudlot nga lang dahil bigla siyang nabuntis.

Ngayong naipanganak na niya ang kanyang unang baby na pinangalan nilang Alas Joaquin, palagay nga namin babalik siya ulit sa acting. Kailangan din naman silang magtulong dahil bagong lipat lamang ng network ang boyfriend niyang si Aljur Abrenica at wala pang nakatitiyak kung ano ang kahihinatnan ng career niyon sa bagong network. Ngayon, masasabing mas matindi na ang kanilang responsibilidad dahil may anak na nga sila. Kailangang kumayod talaga.

Pero hindi rin naman siya makababalik agad. Una, kailangan niyang magbawas ng timbang dahil natural naman sa isang babaeng nagbuntis at nanganak na medyo lumapad ang katawan. Ikalawa, mahirap naman sigurong iwanan niya agad sa isang yaya ang kanyang anak. Iba pa rin siyempre na kung sa mga unang buwan, ang nanay mismo ang nag-aalaga ng anak niya. Sinasabi nga, at scientific iyon ha, na habang ang isang bata ay nasa sinapupunan pa ng kanyang ina, nakikilala na niya iyon. At malaking advantage nga na ang mismong ina niya ang siyang mag-aalaga sa kanya sa mga unang buwan.

Later on makakikilala na siya ng ibang mga tao, pero sa simula, ang kilala lang talaga ng bata ay ang kanyang ina.

Pero huwag naman sanang magtatagal ang kanyang pagbabalik dahil kung masyadong tatagal pa ang kanyang bakasyon, baka naman mahirapan na siya.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …