Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ara Mina, bilib sa newcomer na Kevin Poblacion

ISA si Ara Mina sa bida sa pelikulang Adik ng BJP Film Production mula sa pamamahala ni Direk Neal Tan. Tampok din dito si Kevin Poblacion na gumaganap bilang isang teenager na nalulong sa droga at na-involve sa mga krimen.

Sa pelikula, si Ara ay gumaganap bilang tiyahin ni Kevin na isang binatilyong laking Canada na nagbalik sa kinalakihang lugar. Kabilang din sa casts nito sina Rosanna Roces, Liz Alindogan, Gino Ilustre, Miggy Campbell, Michelle Thomas, Eagle Riggs, Jet Alcantara, at iba pa. Showing ang indie movie na Adik sa October 2017 through Cine Lokal.

“Dito ay tiyahin lang ako hindi mother role. So, pahinga muna ako sa mother role,” nakangiting panimula ni Ara. “Ngayon, mas gusto ko na pinipili na rin ang mga project na tatangapin ko,” dagdag niya.

Nang usisain ang aktres kung ano ang masasabi sa newcomer na si Kevin, sinabi ni Ara na bilib siya rito.

Saad niya, “Actually na–shock ako sa kanya, kasi nagulat ako na nakaka-acting siya, natural siya. Hindi na kailangan i-motivate ni Kevin nang todo. Iyong iba kasi, lalo na kung baguhan, talagang tinutulungna natin na ma-motivate, pero si Kevin, parang hindi na yata kailangan. So, talagang nag-jive naman ang acting namin together.”

Sa naturang presscon din napaiyak si Ara, nang usisain kasi na sakaling may kakilalang adik o lulong sa drugs, ano ang gagawin niya rito. Bago nakasagot ay napaiyak na ang aktres at nang mahimasmasan, nabanggit niyang isang mahal sa buhay ang nalulong sa droga at ngayo’y tatlong taon nang nasa rehabilitation center.

“Yeah, someone very close to me and ako ho ang gumawa ng way para ma-rehab siya. All in all, lumabas na rin siya, nag-relapse kaya ibinalik ulit. Bale three years na siya roon, pero I want to protect his privacy. Kasi recently lang namin siya dinalaw ulit, kasi hindi kami ina-allow na magpakita,” esplika niya.

Dito inamin din ni Ara na galit siya sa mga pusher. “So, naiyak ako kasi ano… kaya parang galit ako sa mga pusher talaga, kasi sinira nila ang pamilya ng taong ito. Kumbaga, sobrang… kasi ay may family din ito… so iyon lang, iyon lang ang maise-share ko.”Ginawa ko iyon, hindi pa presidente si Duterte. Kausap ko sa phone iyong tao na kukuha sa kanya, kaya naririnig ko ang sinasabi—-‘Ano ba! Sandali saan n’yo ako dadalhin!’ Kasi naka-blindfold siya para ‘di niya makita kung saan siya dinala. So, iyon lang po, kaya sana talagang maubos na ang mga pusher.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …