KAKAIBA. Ito ang tinuran ng first time director, Miguel Franco Michelena ukol sa kanyang pelikulang Triptiko, isa sa kalahok na pelikula sa Pista ng Pelikulang Pilipino na mapapanood sa Agosto 16.
Ayon kay Michelena, sa buhay na medyo weird niya nakuha ang inspirasyon para gawin ang Triptiko. Ito’y tatlong kakaiba at may kabaliwang mga kuwento.
Anang 31-anyos na director na natuto ng pagdidirehe sa patnubay ng yumaongMarilou Diaz-Abaya na, “Sana magustuhan at maaliw an gating mga manonood dahil pinaghandaan at pinag-isipan naming mabuti ang pelikulang ito.”
Sinabi pa ng director na ang Triptiko ay mula sa salitang triptych na ang ibiang sabihin ay tatlong magkakaugnay na likhang pang-sining, pang-panitikan, o pang-musika na ginawa para maranasan at ma-enjoy ng sabay-sabay.
“Tatlong kuwentong medyo weird, ‘Yan ang ‘Triptiko’,” esplika pa ng excited na director.
Ang unang kuwento ay ukol sa Suwerte na pinagbibidahan ni Albie Casino, ang sumunod ay ukol sa Hinog na si Joseph Marco naman ang bida, at ang ikatlo ay ang Musikerong John na si Kean Cipriano naman ang bida.
Kamakailan, nakatanggap ng Grade A ang Triptiko mula sa Cinema Evaluation Board.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio