Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Basher ni Ken, naging instant fan

AMINADO si Ken Chan na kahit siya ay nakararanas ng pamba-bash mula sa mga taong hindi siya gusto, hindi niya ito pinapansin. Hindi lang naman siya ang artistang nabibiktima ng pamba-bash, marami silang hinihila pababa.

Ayon nga kay Ken sa isang interview, ”Hindi, in general naman ‘yun. Hindi kasi, parang, alam mo naman dito sa showbiz, maraming mga tao na gusto akong hilahin pababa.

“Hindi kasi alam ng fans iyon, eh. ‘Yung akala nila ganoon kadali, pero hindi madali ang buhay-showbiz.

“Gusto ko lang iparating sa kanila na dahil sa mga taong nagmamahal sa akin, pag-aalaga ng GMA, walang sinuman ang puwedeng humila sa akin pababa.”

Aminado naman si Ken na minsan ay nasasaktan ito sa mga tira sa kanya ng mga basher.

“Honestly, nakaka-offend minsan, ha? Totoo ‘yun.

“Hindi naman ako magpapaka-plastik na sasabihin ko, ‘Hindi naman po ako naasar, hindi ako napipikon.’

“Minsan below-the-belt na, masakit talaga. Pero hindi ko na lang pinapansin, papansinin mo siya, pero hindi mo papatulan.”

“Ang ginagawa ko, nila-like ko ‘yun! O kaya magsasabi ako ng salamat, ganyan-ganyan.

“Mayroon pa nga akong isang basher na naging fan ko dahil doon.”

Alam naman ni Ken na part na ng showbiz ‘yung may mga taong namba-bash talaga, kaya naman deadma na lang ito at mas pinagbubuti na lang ang trabaho.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …