Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

LA Santos, humahataw bilang singer at actor!

PATULOY sa paghataw ang showbiz career ng guwapings na bagets na si LA Santos. Mula sa pagiging very promising recording artist, ngayon ay artista na rin si LA. Tampok siya sa pelikulang DAD (Durugin Ang Droga) with Allen Dizon, Jackie Aquino, Jeric Raval, Jeffrey Santos, Alma Concepcion, at iba pa, mula sa pamamahala ng komedyanteng si Dinky Doo.

Wika niya sa papel sa naturang pelikula, “Iyong role ko po in this movie, anak po ako ng isang drug addict at ako rin po, naging drug addict na rin po.”

Ano ang pakiramdam mo na bukod sa pagiging recording artist, na-penetrate mo na rin ang pelikula?

Sagot niya, “It feels good po, kasi I never had any acting experience before and this is the best way to start my acting career.”

Nagpasalamat din si LA sa mga kasama niya sa pelikulang ito at sa kanilang direktor. “Thankful po ako and I feel honored po sa co-stars ko sa movie, kasi I learned a lot from them. Si Direk naman po, he’s the very best and cool na director siya. He’s one of the kindest person I’ve worked with po.”

Bukod sa pagiging talented, nakabibilib ang kabaitan ni LA dahil sa pagtulong niya sa mga sundalo natin sa Marawi. Idinonate kasi ni LA ang tatlong buwang sales ng kanyang debut album under Star Music para maitulong sa mga kawal na nakadestino sa naturang lugar.

Inusisa namin si LA kung bakit niya naisipang gawin ito? “This has been my very first intention for my album, to help the people. And I still have more charities to do. Kaya po itong donation is my first step to a thousand more.”

Dagdag ni LA, “Bayani po ang tingin ko po sa kanila, sa ating mga sundalo na lumalaban sa Marawi. At siyempre po, masarap sa pakiramdam ang makatulong sa kapwa, kasi I’m following in the footsteps of my mom.”

Ang tinutukoy ni LA ay si Mommy Flor Brioso Santos na marami ring projects na nakakatulong sa mga tao.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …