HINDI pala nakakontrata sa GMA-7 si Rap Fernandez, panganay na anak nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino. Sa aming panayam sa kanya, nabanggit ni Rap na masaya siya sa pag-aalaga ng manager niyang si Ms. Malou Choa-Fagar.
Wika niya, “Happy ako sa pag-aalaga sa akin ni Tita Malou Choa Fagar at sa pakikitungo sa amin ng parehong network (GMA-7 and ABS CBN). She’s always been my manager after Nay Lolit and my mom.”
So, puwede ka palang lumabas kahit sa ABS CBN at hindi sa GMA-7 lang?
Tugon ni Rap, “Yes, any channel, any production,” matipid na sagot ni Rap na huling napanood sa TV series na Sa Piling Ni Nanay sa Kapuso Network.
Ano’ng role pa ang gusto mong magampanan pa? “Ang role na gusto kong gampanan, iyong buhay ng totoong tao na tulad ng ginagawa ng tatay ko rati.”
Nang usisain namin siya kung sinong actor pa ang gusto niyang makatrabaho sa hinaharap, nagulat kami sa sagot niya. “Ang gusto kong makatrabaho ang nanay ko, never pa kasi kami nag-work sa same project.”
Hindi ka ba maiilang na makatrabaho ang mom mo, dahil alam naman natin ang galing niya at veteran actress siya?
Tugon ni Rap, “I dont think so, kasama sa kahusayan ng artista ang maging komportable at gawing komportable and mga katrabaho nila. I’m sure I won’t have a problem kung magkatrabaho kami.”
Nabanggit din ni Rap na parang second mother na ang turing niya sa manager niyang si Ms. Malou. “Yeah she’s my mom sa industry, like Nanay Lolit.
“Si Tita Malou, she’s super sharp and very insightful. So ‘pag hindi ako sigurado about something, she guides me, she’s also super personable and accompanies me to social obligations like wakes and parties. I’ve always been very-very fond of her through all the years I’ve known her.”
Incidentally, si Rap ay mapapanood very soon sa pelikulang Citizen Jake ni Direk Mike de Leon. Tampok dito sina Atom Araullo, Max Collins, Cherie Gil, Gabby Eigenmann, Richard Quan, Luis Alandy, Teroy de Guzman, at iba pa.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio