ANO nga ba ang pagkakapare-pareho nina Sarah Geronimo, Anne Curtis, James Reid, at Gary Valenciano? Lahat sila ay pawang nakatrabaho at dumaan sa pagsasanay ni Teacher Georcelle, ang isa sa pinakasikat at pinakamahusay na choreographer/mentor sa bansa. Na naging dahilan para sila’y lalo pang maging mas mahuhusay na performers.
‘Yun ay dahil si Teacher G ay higit pa sa isang dancer. Itinuro at ibinahagi niya sa kanila ang kanyang passion, inspiration, commitment, at motivation upang mapalabas ang kanilang natural na angking husay at galing.
At sa kauna-unahang pagkakataon ng makulay at matagumpay na decades-long career, ibabahagi n’ya sa lahat ang mga bagay na natutuhan n’ya on and off stage.
Sa introduction ng kanyang librong The Force Within, sinabi ng Founder and Artistic Director ng G-Force, ang top dance group ng bansa na, ”Because I love to teach, I am sharing with you eight lessons in resilience, patience, passion, professionalism, and grit.”
Dagdag pa niya, ”Dance isn’t just about moving to the music, it’s a discipline…a commitment…a new way of thinking.”
Umusad ang karera ni Teacher Georcelle dahil sa kanyang fearless and positive attitude. Mababasa rin sa libro kung paano siya naging in-house trainer sa ABS-CBN Talent Center. Hanggang ngayon, buo ang tiwala sa kanya ng network kaya ang kanyang grupong G-Force ay regular na lumalabas sa ASAP at iba pang major productions ng ABS-CBN.
Ang The Force Within ay puno ng mahahalagang aral at kawili-wiling impormasyon tungkol kay Teacher Georcelle bilang dancer/choreographer, mentor, a fashion-lover, at bilang isang masigasig na tao. Alamin ang kanyang mga pinagdaanan para maging isang respetadong haligi sa industriyang kanyang ginagalawan. Ang librong ito ay mabibili sa National Book Store at Powerbooks sa halagang P295 lamang. Mula sa VRJ Books.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio