Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Aktres, bangungot kapag sinisingil na

BANGUNGOT kung ituring ng isang travel agency ang makatransaksiyon angaktres na ito. Sukat ba naman kasing pagkarami-raming ticket kung bumili papunta sa kung saan-saan, utang naman!

“Hay, naku, ‘kalurky talaga ang aktres na ‘yon na kung magpa-book ng kanyang flight, eh, bitbit yata ang buong barangay! Imagine, nasa 30 katao ang kasama niya sa tuwing magpapa-book siya ng flight. Siyempre, ang gagawin nga naman ng travel agent, eh, agarin ang booking niya. Tiba-tiba nga naman siya roon sa kikitain niya!” tsika ng aming source.

Eto na, pagdating sa bayaran ay malabo nang maasahang magbabayad ang hitad,”Ang galing-galing niyang magpa-book, ASAP pa, ha? Pero ‘Day, kapag pinadalhan na namin siya ng billing statement, wa na siya mahagilap!”

One time ay tinawagan ng travel agent ang hitad sa mismong landline nito sa bahay,”Siyempre, hahanapin namin siya, aba, ang hitad, boses na nga mismo niya ang sumagot sa phone, eh, iniiba-iba pa niya! Kesyo wala raw siya, pero boses niya ‘yon, ha? Kabog ang voice talent sa aktres na ‘yon!”

Da who ang bida sa kuwentong ito? Itago na lang natin siya sa alyas na Almira Romano.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …