Monday , December 23 2024

Magtulungan tayong lahat para sa QCPDPC

NATAPOS na rin. Ang alin? Ang kaba este, ang mahaba-habang hinintay ng mga miyembro ng Quezon City Police District Press Corps – ang paghalal para sa bagong grupo ng opisyal ng asosasyon para sa taong 2017-2018.

Nitong nakaraang Biyernes, 21 Hulyo 2017, naging matagumpay ang ginanap na “friendly election.” Ang mga nanalo sa iba’t ibang posisyon ay mula sa grupo ng inyong lingkod. Garantisadong “98%” kandidato ang pinalad na ibinoto nang mahigit sa 100 botante mula sa iba’t ibang media entity na pawang lehitimong miyembro ng QCPDPC.

Sa 17 kandidato mula sa paka-pangulo hanggang board of directors, dalawa lang ang nalaglag sa aming partido. Ang vice president at isa sa direktor.

Naging masalimuot ang halalan dahil bago ang araw ng botohan ay maraming pagsubok na dumaan sa grupo. Pero…at the end of the day, ang kandidato ng grupong mahirap ang halos nakapasok o naging bahagi ng matagumpay na eleksiyon.

Naging matagumpay at mapayapa ang halalan dahil ang Panginoong Diyos ang Siyang pumagitna at gumabay sa lahat… at pagkakaisa ng bawat miyembro.

Narito ang official result ng halalan; President – Almar Danguilan ng HATAW (56 votes) – Carlo Castillo, TV 5 (28 votes); Vice President – Rodil Vega, DzBB (46 votes) – Sylvestre “Rambo” Labay, RMN (38 votes); Secretary – Analy Labor, Daily Tribune (52) – Fred Cipres, DzMM (32); Treasurer – Nonoy Lacza, Business Mirror (50) – Ivy Bernardo, TV 5 (32); Auditor – Boy Santos, Phil. Star (49) – Divine Reyes, DzBB (35); PRO – Fred Salcedo, DWAD, (43) – Luisito Santos, DzBB (39); Sgt @ Arms – Mark Balmores, Manila Bulletin at Mike Taboy, Abante; Chairman of the Board – Jan Sinocruz, Remate (46) – Olan Bola, DzBB (37).


Habang ang mga nagwagi sa direktor ay sina Val Leonardo, Remate (52); Danny Querubin (51); Jun Mestica, Remate (49); Mike De Juan, Manila Times (49); Edgar Rabulan, Remate (43); Alex Mendoza, HATAW (41); Rolly Salvador, Malaya (40); at Val Gonzales, DzRH (40).

Congratulations mga kapatid sa hanapbuhay. Sama-sama at pagtulungan natin ang lahat para sa QCPDPC.

Siyempre, nais natin pasalamatan ang mga tumayong miyembro ng Comelec na naging bahagi ng matagumpay na halalan – National Press Club of the Philippines directors Alvin Murcia at Boying Abasola at ang dalawang pulis mula sa QCPD Public Information Office.

Sino pa? Siyempre ang ama ng QCPD at adviser ng QCPD Press Corps na si P/Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar. Ops, nandiyan din noong araw ng halalan ang kaibigan nating si SBMA director Benny Antiporda na dating pangulo ng NPC. Kanyang binigyan din ng morale support ang bawat kandidato mula pagsimula ng botohan hanggang sa matapos ito. Hindi man nakadalo si NPC president Paul Gutierez pero ipinadama pa rin niya ang buong pagsuporta niya sa QCPDPC.

Maraming salamat po sa inyong lahat.

Siyempre, higit ko pong pinasasalamatan nang personal ang habambuhay kong mga supporter – ang aking maybahay, Jhing, dalawang anak na sina AA at Tea.

At siyempre, ang HATAW FAMILY sa pangunguna ng aming mahal na editor, madame Gloria Galuno at higit sa lahat ang aking BOSSING – ang aming pinakamamahal na publisher, SIR JERRY S. YAP.

Maraming salamat po sa Kapamilya ko sa HATAW.

Panginoon maraming salamat po.

Teka, baka magtampo sila – salamat po sa inyong lahat sa QCPD Press Corps. Salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala sa inyong lingkod. Isang dekada na po ninyo akong sinusuportahan. Maraming salamat.

Mabuhay ang QCPD Press Corps. Matulungan tayong lahat.

God bless us all.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *