PATULOY sa paghataw ang showbiz career ngayon ni Orlando Sol. Bukod sa promo ng kanyang album titled Emosyon under Star Music, marami siyang pinagkaka-abalahang project.
“Sa August 5, 6, and 7 po, kami ay nasa Brunei. Bale lima na lang po kami ngayon sa Masculado na bukod sa akin ay sina Robin, Enrico, Nico, at David.
“Tapos plano rin na gagawin daw po namin yung movie na Marco Positibo, about yun sa AIDS. Ito po ay base sa true story.
“Mayroon din po akong bagong theater play, itong Uyayi ng Ulan ni direk Melchor Avila Berja at si Sir Erick Castro ang Artistic Director naman. Kaming dalawa ni Miggs Cuaderno rito, ang role ko po is Aguman, isang agila na king sa forest. Ipalalabas po ito mga school sa September and iikot sa buong Filipinas. Napakagandang adbokasiya ng play, para maipakita sa mga manonood kung ano na ang nangyayari sa kagubatan at kalikasan dahil sa walang tigil na pagsira ng mga tao rito.
“Plus, happy ako na nominated ‘yung song na ako ang kumanta sa movie na Pilipail, nominated sa Star Awards para sa Indie movie original themesong of the year. Ang nagdirek ng movie at nag-compose ng song ay si Direk Jojo Nadela,” mahabang saad ni Orlando.
Binabansagan din siya ngayong Sexy Sentimental Singer at nasabi niyang, “Masaya, kasi siguro mayroon din naman akong maipapakita, e.”
Kapag nagpe-perform ka at nag-e-enjoy ang mga matrona at bading, ano ang napi-feel mo? “Ako naman everytime na nagpe-perform ako sa stage o kahit saan man, gusto ko ay napi-please ko sila, nae-entertain ko sila. Kapag ganoon, masaya ako, I feel satisfied, sobrang saya ko pagkatapos ng performance. Sabi nga ‘di ba, sa isang performer, kahit hindi ka bayaran, basta palakpakan ka ng mga tao o ma-entertain o matuwa sa iyo ang mga tao, sobrang saya ng pakiramdam niyon.”
Kung matrona at gay ang tumitili sa iyo, hindi ka ba naiilang?
Nakangiting sagot ni Orlando, “Hindi naman, kasi lahat naman sa amin… kumbaga ay iyon ang mga audience ko, e. Doon yata ako malakas e, kaya komportable ako kahit saan naman.”
Wika ng manager niyang si Direk Maryo J. delos Reyes na katabi lang namin, “Para siyang si Ryan Gosling, komportable sa lahat ng bagay. Whether gawin mong bida, kontrabida, sexy, sayaw, acting kanta, puwede siya.”
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio