Friday , January 3 2025

Mabilis na hustisya

ISA-ISANG inuubos ang tinaguriang “persons of interest” o mga tao na may kinalaman sa malagim na pamamaslang sa limang miyembro ng pamilya ng security guard na si Dexter Carlos na binansagang Bulacan massacre.

Una na rito si Ronaldo Pacinos alyas “Inggo” na sinaksak nang ilang ulit at pinuluputan ng fan belt sa leeg. Pinutulan din ng apat na daliri sa kamay.

Nakasulat sa karton sa ibabaw ng kanyang katawan ang mga salitang, “addict at rapist ako huwag tularan.”

Halatang matindi ang galit ng pumatay kay Pacinos. Itinapon ang kanyang bangkay sa isang bahagi ng Palmera Drive, Phase 7 sa Barangay Santo Cristo, na ilang bloke lang ang layo sa bahay ng mga biktima.

Sumunod naman si Rosevelth Sorema alyas “Ponga” na pinagbabaril nang ilang ulit hanggang masawi sa loob mismo ng kanyang tahanan. Da-lawang lalaki na kapwa nakasuot ng bonnet at helmet ang biglang pumasok sa kanyang bahay upang isakatuparan ang krimen.

Tiyempo bang masasabi na ang pagpatay kay Sorema ay naganap habang may isinasagawang misa para sa mga minasaker bago sila mailibing?

Ang pangatlo ay si Anthony “Tony” Garcia na tinadtad ng tama ng baril sa kanyang katawan. Dinukot ng hindi kilalang mga lalaki habang nasa loob ng bahay ng kanyang lolo.

Itinapon ang kanyang bangkay sa daanan sa Barangay Pacalag sa San Miguel, Bulacan. Na-tagpuan ito na nakagapos ang mga kamay, nakabalot ng tape ang mukha at may karton sa katawan na nakasulat ang “adik at rapist ako.”

Naulat na sina Pacinos, Sorema at Garcia ay pawang itinuro ng inarestong suspek na si Carmelino Ibañez na kasama niya sa pagsasagawa ng malupit na krimen.

Maaalalang inabuso at pinaslang ang mag-inang Auring Dizon at Estrella Dizon Carlos sa loob ng kanilang tahanan sa North Ridge Royale Subdivision sa Barangay Santo Cristo, San Jose del Monte, Bulacan.

Pati mga paslit na anak ni Estrella na sina Donny, Ella at Dexter Junior ay walang awang pinagsasaksak hanggang mapatay.

Ang pang-apat na person of interest na nawawala ay si Alvin Mabese na dinukot din at puwersahang isinakay sa loob ng isang van.

Ayon sa pulisya, kung hindi gawa ng vigilantes ang pamamaslang ay maaaring sila-sila ring magkakasama ang nagkakapraningan at nagpapatayan upang patahimikin at pigilang makapagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad.

May nagsasabi na maaaring dala na ang vigilantes sa bagal ng sistema ng hustisya sa bansa kaya idinaraan ang pagpaparusa sa sariling mga kamay. Masisisi ba sila kung maghangad ng mabilis na hustisya?

Marahil hindi sila naniniwala sa ikaanim na Utos ng Diyos.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

 

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *